tago
ta·gò
png |pag·ta·ta·gò |[ Hil Mrw Seb Tag War ]
:
paglalagay o pagpunta sa isang pook upang hindi makíta : DÚLIN
ta·go·lá·ling
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, mga araw na ibinigay sa alipin upang makapagtrabaho para sa kaniyang sarili.
ta·go·lí·was
png |[ ST ]
:
gamot o bisà ng isang yerba.
ta·gong·gô
png |Mus |[ Mag ]
:
tunog ng kulintang kapag tinutugtog sa ritwal.
tâ-gong·gó
png |Mus |[ Bag ]
:
pangkat ng labing-isang agung.
ta·góng·gong
png |Mus |[ Bil ]
:
maliit na tambol na yarì sa putól na kahoy na inuka ang loob, may bálot ng balát ng usa ang magkabilâng dulo, at pinatutunog sa pamamagitan ng inihahampas na dalawang patpat ng kawayan.
ta·gós
pnr
ta·go·yâ
pnr |[ ST ]
:
mabigat at hindi mabuhat.