tali


ta·lì

png |pan·ta·lì |[ Kap Mag Tag ]
:
himaymay, kátad, o manipis na piraso ng káwad, at katulad na ginagamit bilang bigkís, gápos, o sa pagkakabit ng anuman : BÁKWIS, BARÁKANG2, BARÁKUS2, BERBÉR, BÚGKOS, GAKÓT, HALÚGHOG1, HIGÓT2, LÉNDEK, LIGADÚRA1, LUPÍS, STRING1

ta·lî

png |Zoo |[ ST ]
:
butse ng ibon.

ta·lî

pnr
1:
palagay ang loob ; hindi balisá
2:
hindi lumalabas ng bahay o bakúran.

tá·li

png |[ ST ]
1:
pagkuha sa pangunahin
2:
pagtataas o pagiging mataas
3:
magandang kapalaran.

ta·li·bà

png |Mil
1:
ang harapán o nangungunang bahagi ng isang hukbo sa isang pagsulong : VANGUARD, VANGUARDIA
2:
nangungunang posisyon sa isang kilusan ; ang nangunguna sa kilusan : VANGUARD, VANGUARDIA

ta·lí·ba

png |[ ST ]
1:
pagbabantay ng mga pain sa likod ng lambat
2:
Zoo uri ng isdang-alat.

ta·li·bá·bas

pnr |[ Kap ]

ta·li·bád

pnr

ta·lí·bad

png |[ ST ]
:
pagkakamali sa pag-unawa ng pinag-uusapan : TALIBADBÁD1

ta·li·bad·bád

png |[ ST ]
2:
hindi pagkakasundo ng dalawa tungkol sa isang bagay.

ta·li·bás

pnr

ta·li·bá·tab

png
1:
pagbasâ ng laway sa bibig at labì sa pamamagitan ng dila ; pagdila sa labì para mabasâ
2:
Zoo [Kap] uri ng paniki.

ta·lí·ba·tád

png |Zoo |[ Pan ]
:
uri ng higanteng páge (Mobula mobular ) na lumalaki sa habà na 5.2 m at itinuturing na nanganganib na espesye.

ta·li·bá·yok

png |[ Ilk ]

ta·lí·bis

png
:
pagiging malalim o matarik ng isang bangin o ng isang mataas na lupa.

ta·li·bóng

png
1:
mahabàng punyal
2:
kahoy o kawayang tinulisan at ginagamit na sibat
3:
[Akl] mahabà at matalim na tabak
4:
Bot [ST] uri ng isdang maliit at malapad.

ta·lí·bong

png
:
panrelihiyong pista ng mga Mandaya.

ta·lí·bót

png
1:
anumang bagay o pangyayari na nagdudulot ng magandang kapalaran
2:
pagkakita nang saglit lámang : TAMÚLAW var talyábot

ta·li·bot·nó

png |[ ST ]
:
buhol ng lubid.

ta·líb·sok

png |Agr
:
bahagi ng suyod ng magsasaká na nag-uugnay nang patukod sa digdigan at sa guyabin.

ta·li·bu·bô

pnr
:
nakatalì sa tuhugan hábang iniihaw.

ta·li·bug·náy

pnr |[ Ilk ]

ta·li·búg·so

png
:
buhol ng talì na tíla laso var talibágso

ta·li·buk·nó

png |Zoo |[ Ilk ]

ta·li·bu·nó

png |Zoo |[ Ilk ]

Ta·li·fú·go

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Apayaw.

ta·líg·bu·hók

png |Bot

ta·líg·ma·nók

png |Zoo |[ Seb Tag ]

ta·líg·sik

png |Mtr |[ Seb ]

ta·líg·tig

png |Ana |[ Ifu ]

ta·li·gú·nay

pnr |[ War ]
:
sapat sa sarili.

ta·li·hab·sô

pnr

ta·li·há·lat

png |Ana |[ ST ]

ta·lí·hin

pnr |[ ST ]
:
mabilis tumayô ang buhok, gaya ng dahil sa takot.

ta·lík

png
2:
kompás ng kamay sa pagsasayaw.

tá·lik

png |[ Kap Tag ]
1:
pagiging malapit sa isa’t isa ; malapít na magkakilála : HÍRUP, KADILÍAN, MADALÍKOT, SIMPUNGÁLAN, SUÓK — pnr ma·tá·lik
2:
hibas para sa karát.

ta·li·ka·kás

png
:
labis na pagpupunyagi o pagsisikap.

ta·lik·bá

png

tá·lik-bí·be

png |Say |[ Agt ]
:
sayaw na ginagaya ang pagtatalik ng mga bibe.

tá·lik-lá·ngaw

png |Say |[ Agt ]
:
sayaw ng mga Ita sa Pinatubo na ginagaya ang pagtatalik ng mga langaw.

ta·lí·kod

png
1:
pagpapalit ng posisyon o direksiyon na ang likod ng katawan ang nása harap ; pagharap sa iba o kabilâng direksiyon o panig
2:
kilos o pasiya kaugnay ng pagtanggi, pagtakwil o hindi pagkilála — pnd i·ta·lí·kod, ta·li·kú·ran, tu· ma·lí·kod.

ta·lí·kol

png
:
upúan sa bangka.

ta·li·kóp

pnr

tá·lik-pa·te·rék·te·rék

png |Say |[ Agt ]
:
sayaw na ginagaya ang galaw ng maliliit na ibon.

ta·lik·tík

png |[ ST ]
1:
pansamantalang bakod
2:
pagdadagdag sa isang sisidlan
3:
paglalagay ng tanda sa hanggáhan.

ta·lik·tít

png |[ ST ]
:
malakas na tinig.

ta·li·ku·rán

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.

ta·lik·wás

pnr |[ ST ]
2:
mabilis o biglaang bumangon.

ta·li·lá·kaw

png |[ ST ]
:
pagtungo sa malayo dahil naguguluhan.

ta·lí·lis

png |[ Kap Tag ]
1:
pag-alis nang lihim : ÍLAS2 Cf ALIGÓ, TÁNAN2
2:
pag-alis bílang pag-iwas na mabigyan ng pananagutan : ÍLAS2 Cf TÁNAN2 — pnd i·ta·lí·lis, ta·li·lí·san, tu·ma·lí·lis.

ta·lí·long

png |Zoo
:
tawag sa banak kapag maliit pa : BÍLONG-BÍLONG1

ta·li·los

png |[ ST ]
:
kagaspangan o kabastusan sa pananalita.

ta·lím

png
1:
talas ng gilid, gaya ng sa kutsilyo o anumang patalim : BÍNSAL, BLEYD1, KATÍM2, PÍLO
2:
pamputol na bahagi ng kampit o anumang katulad : BÍNSAL, BLEYD1, KATÍM2, PÍLO

ta·lí·ma

png
:
pagsunod o pagtupad sa iniuutos o ipinakikiusap na gawin : TOMBÓK, TÚMAN1

ta·li·má·go

png |[ Ilk ]
:
muling pagpapahid ng pintura.

ta·li·máng

pnr
:
nawala sa ayos o pagkasunod-sunod sa pagbibiláng var limáng

ta·li·mang·máng

png

tá·lim·bi·lá·o

png |Zoo
:
ahas-tubig na guhitang itim ang katawan.

ta·lim·bu·hól

png |[ talì+na+buhól ]
1:
palítang pangako na pakasal
2:
bahagi ng seremonya sa kasal na pinagbubuklod sa loob ng kordon ang babae at laláking ikinakasal

ta·lim·bú·lo

png |Bot
:
halámang may malambot na katawan, masanga, mabalahibo, at tumataas nang 30–60 sm.

ta·lim·bu·tóg

pnr
:
nauukol sa bagay na biluhaba at matulis ang magkabilâng dulo.

ta·lim·pák

png |[ Ilk ]
:
mantón na hinábi at ginagawâ sa rehiyon ng Ilocos.

ta·li·mú·daw

png |Med |[ Ilk ]

ta·li·mú·ging

png |Ana |[ Ilk ]
:
balát sa noo.

ta·li·mun·dós

pnr
:
matulis ang dulo.

ta·li·mu·sák

png |Zoo
:
isdang-tabáng (Oxyurichthys microlepsis ) na humahabà nang 20 sm, lungtian na may bahid na kulay abo ang itaas ng katawan at kulay pilak ang ibabâ, maliliit ang kaliskis na may kaunting batik na itim.

ta·li·mu·sód

pnr
:
habâ at matulis ang dulo.

ta·li·mu·wáng

png
2:
pagpapása ng pananagutan sa iba
3:
pagtanggi sa pamamagitan ng salungat na pangangatuwiran.

ta·li·na·éd

pnd |[ Ilk ]
:
magtagal o tumagal.

ta·lin·dá·ta

png |[ Kap ]

ta·lin·du·wâ

png
1:
mapang-abusong sistema ng pagpapautang, binabayaran ng magsasaká ang maylupa nang 50 porsiyentong interes sa halagang inutang pagdating ng anihan
2:
sa sinaunang lipunan, kasunduang magmamana ang ampon ng kalahati ng halagang ibinayad sa pag-aampon
3:
[ST] pagbili ng tatlong bagay sa halaga ng dalawa o ng dalawang bagay sa halaga ng tatlo : BALINDÚWA

tá·ling

png |Ana

ta·li·ngá

png |[ Ilk ]
:
kumot na gawâ sa Ilocos.

ta·lí·nga

png |Ana |[ Bik Iba War ]

tá·li·ngá·an

png |Zoo |[ Ilk ]

ta·lí·ngan

png |Zoo
:
malapandong dilaw.

ta·li·ngas·ngás

pnr
:
matalas ang pandinig.

ta·ling-á·so

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

ta·ling·dáw

png |Lit Mus |[ ST ]
1:
isa sa dalawang pinakapopular na anyo ng awiting-bayan ng mga Tagalog, may dramatikong estruktura dahil may nauuna sa pag-awit at may sumasagot
2:
awit na nagsasagutan ang isang babae at isang laláki.

ta·ling·di·kíng

png |Bot |[ ST ]
:
salitâng Kapampangan, uri ng isang palay na pantubigan.

ta·ling·ha·bâ

pnr
:
biluhabâ var taluhabâ

ta·ling·ha·gà

png |Lit
1:
mapagbuong simulain ng isang akda, lalo na kaugnay ng malikhaing pangangasiwa sa tayutay at retorika : HIBÁT1
2:
pang-ilalim na kahulugan ng isang pahayag : HIBÁT1

ta·ling·há·gan

png |Lit Mus
:
sa mga Agta sa Bataan, tawag sa awit na naglalahad ng mga huling habilin, hiling, at pamamaalam ng isang naghihingalo.

ta·ling·há·nap

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng halaman.

ta·li·ngíd

pnr

ta·ling·kás

pnr |[ Bik ]

ta·ling·tíng

png
1:
natatanging pag-iingat ; mahigpit na pag-aalaga
2:
Zoo [Seb] taringtíng.

ta·ling·tí·ngan

png |Zoo
:
maliit na isdang-alat (family Pinguipedidae ), habâ ang katawan, maliliit ang kaliskis, may palikpik sa likod na sagad hanggang buntot, may uring kulay kayumanggi, pulá, o dalandan, at makikíta sa mababaw na tubig at tangrib : SAND PERCH, TUKÔ3

ta·li·ngus·ngós

png
:
pakiramdam na yamot o naiinis.

ta·lí·nis

png |[ Seb ]

ta·lí·no

png |[ Kap Tag ]
1:
fakultad ng pangangatwiran at paggamit ng pag-iisip, na iba sa pakiramdam at kalooban ng isang tao ; o ang pang-unawa o mental na kakayahan : ALÁM1, ÍNTELÉK, INTELÉKTO, INTELLECT, MUÁNG
2:
tao na matalas ang pag-iisip ; o ang kolektibong pangkat ng mga ito : ALÁM1, ÍNTELÉK, INTELÉKTO, INTELLECT, MUÁNG
3:
likás na kakayahan o kapangyarihan : TALENT, TALÉNTO

ta·lí·nong

png
:
tálas ng memorya.

ta·lí·num

png |Bot
:
haláman (Talinum paniculatum ) na may biluhabâng dahon, kumpol-kumpol ang mga bulaklak, itim ang mga butó, at tumataas nang mahigit 50 sm, katutubò sa Gitnang America at nakakain ang dahon.

tá·lip

png |[ Kap ]
:
tálop o pagtatalop.

ta·li·pá

png |Zoo
:
maliit na isdang dorádo.

ta·li·pâ

png

ta·li·pan·dás

pnr
:
walang pakundangan sa pagsasalita, karaniwang walang galang sa pagsagot.

ta·li·pa·pâ

png
:
pansamantalang palengke, karaniwang sa gilid ng lansangan o liwasan : TIYANGGÊ1

ta·lí·pos

pnr |Med
:
nauukol sa malaganap na sakít sa balát ng sinuman.

ta·lip·sáw

pnr