talo


ta·ló

pnd |mag·ka·ta·ló, ti·na·ló |[ ST ]
1:
magkalaban o nilabanan
2:
Agr ilipat ang tanim.

ta·lô

png |[ ST ]
1:
maliit na sisidlan
2:
buhol ng isang kasuotan.

tá·lo

png |[ ST ]
1:
pag·ta·tá·lo1 mainit na salungatan ng mga opinyon sa isang bagay, karaniwang nauuwi sa away : KARIBÚKAN, LÁLIS, LANTUGÌ, PAMITWÁ, SUMPAKÌ, SUPIYÁTAN, TOTÓR Cf SIGALÓT
2:
tagumpay1–3 pinagmulan ng magkasalungat ngayong tálo na pang-uri at panálo.

tá·lo

pnr
1:
naunahan o nahigitan Cf DAÍG

ta·lo·ás

png |[ ST ]
:
pagiging una, upang makuha ang premyo, o upang hindi maabutan ng pinsala.

tá·lob

png
1:
malambot na takip, gaya ng dahon o tela
2:
Kar [Kal] bubong ng kubo na gawâ sa kawayan.

ta·lob-á·lak

png |Bot

ta·lo·ba·lî

png |[ ST ]
:
isang uri ng pagkain na pinaghalòng kanin, isda, pulut, sukà.

ta·lo·bá·sin

png |[ ST ]
:
isang maliit na punongkahoy na may malalapad na dahong may tatlong dulo, na ang pinakamalaki ay ang gitna na may mga buhok-buhok na tíla pulbos.

tá·log

png |[ ST ]
1:
pagtataob ng mga alon sa bangka
2:
pagtatalop ng prutas.

ta·lo·hí·mig

pnr
:
malabò var taluhímig

ta·lo·ir·yáp

png |[ ST ]

tá·lok

png
1:
Agr [ST] dulo ng sangang pinutol sa katawan ng isang halámang baging upang itanim
2:
[ST] pagpapahaba ng bakal
3:
Say [Seb] sa sinaunang lipunang Bisaya, ritwal na sayaw na ginagawâ ng babaylan sa ibabaw ng malalakíng bunganga ng tapayan.

ta·lo·ka·ti·kán

png |Bot |[ ST ]
:
palay na natuyô.

ta·lok·na·nì

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

ta·ló·la

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng behuko.

ta·lo·ló

png |Bot |[ ST ]
:
suloy na nása loob ng bunga ng buyo.

ta·ló·long

png |Bot |[ Ilk ]

ta·lóm

png |[ Hil ]

tá·lon

png
1:
Agr [Ilk] kabukíran
3:
Zoo [Bik] labuyò1

ta·lo·nár·yo

png |[ Esp talonario ]
:
librong naglalamán ng mga tiket, blangkong resibo, tseke, at katulad.

ta·lóng

png |Bot
:
haláman (Solanum melongena ) na tumataas na 1 m, biluhabâ ang dahon na mabalahibo ang ilalim, kulay lilà o asul ang mga bulaklak, at karaniwang mahabà at lilà ang makinis na bunga bagama’t mayroon ding mabílog at lungtian.

ta·lo·ngá

png |[ ST ]

ta·lo·nga·tí·ngan

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

ta·lóng·ga·tíng

png |Mus |[ Itn ]
:
set ng bumbong ng kawayan na inilalagay sa kandungan, at tinutugtog na tulad ng silopono Cf GÁBBANG

ta·lóng-gú·bat

png |Bot

ta·long·ka·yí

png |[ ST ]

ta·lóng-pi·pít

png |Bot
:
uri ng palumpóng (Solanum insicum ).

tá·long·pú·nay

png |Bot |[ Bik Tag ]

ta·lóng-su·sô

png |Bot
:
uri ng yerbang tíla talóng (Solanum mammosum ), may hugis peras na bungang may mga utong sa dulo.

ta·lóng-ta·lú·ngan

png |Bot |[ talóng+talong+an ]
:
uri ng yerbang tíla talóng (Solanum cumingii ) : TALÓNG-GÚBAT, TARÁMBULÓ2

ta·lon·tó·nay

png |Heo |[ Mrw ]

ta·ló·on

png |[ ST ]
:
pagpapatag sa tulong ng tungkod upang makatayo ang isang tao.

ta·lóp

pnr
:
nabalatán o natanggalan ng balát : ABUKABKÁD

tá·lop

png |pag·ta·tá·lop
:
pag-alís o pagtanggal ng balát : BÁNUT, HIMÁY4, LUBÒ2, ÓBAK, ÓKIS, PANÓKIS, RÚPO, TÁLIP, TÁPAS1, ÚBAK2, ÚKIS2 — pnd i·tá·lop, mag·tá·lop, ta·lú·pan.

ta·ló·rang

png |[ ST ]
:
ibabang bahagi ng hagdan.

ta·lós

pnd |i·pa·ta·lós, ma·ta·lós, ta· lu·sín
:
máunawáan o unawáin.

ta·lós

pnr |[ ST ]

ta·ló·san

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng maliit na punongkahoy.

ta·ló·to

png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng punongkahoy.

ta·lo·wár

pnr |[ ST ]