tam•ból 1: ins-trumentong pinapalò, karaniwang gawâ sa isang hungkag na silinder o balangkas na natatakpan ng bina-nat na katad sa isa o magkabilâng dulo 2: ang tunog na nalilikha nitó
al•kál•de ma•yór : noong panahon ng Espanyol, gobernador ng lalawigan at punò ng hukuman ng unang dulúgan
her•má•na ma•yór 1: pina-kamataas sa kapatiran panrelihiyon 2: nangangasiwa o punòng abalá sa mga gawaing relihiyoso, gaya ng pista, her•má•no ma•yór kung laláki.
ten•yén•te ma•yór 1: punòng tenyente 2: noong panahon ng Espanyol, tawag o ranggo ng isang opisyal sa munisipyo, pangalawang pinunò at humahalili sa gobernadorsilyo kapag wala o may sakít ang hulí.