• ba•nál
    png pnr
    1:
    hindi nagkakasála sa isip, sa salita, at sa gawâ
    2:
    nakalaan sa pagsamba o itinangi para sambahin
  • bá•nal
    png | [ ST ]
    1:
    pagkabalì ng butó
    2:
    bigat ng limang onsa
  • Ba•nál na Es•pi•ri•tú
    png
    :
    sa Kristiyanismo, ang ikatlong persona sa Trinidad at sinasagisag ng kalapati