tandâ
tan·dâ
pnr
:
pinaikling matanda, lalo na kapag ikinabit sa pangalan ng tinutukoy na tao hal Tandang Sora Cf DÂ2
tán·da
png |[ Esp ]
1:
pagbabago o paglilipat ng gawain, gaya ng pag-iiba ng mga gawaing nakatoka sa mga manggagawa Cf TÚRNO
2:
ang habà ng panahon sa paggawâ ng nakatakdang gawain.
Tan·dág
png |Heg
:
kabesera ng Surigao del Sur.
tan·da·kíl
pnr |[ ST ]
:
sapád ang ulo.
tan·dan·dúk
png |Bot |[ Igo ]
:
yerba (Solidago virgaurea ) na 90 sm ang taas at may sanga-sangang pumpon ng maliliit at dilaw na bulaklak : GOLDEN ROD
tan·dáng
png |Zoo
1:
Tandang Basio Macunat (tan·dâng bás·yo ma·kú·nat)
png |Lit
:
pamagat ng isang aklat na sinulat ni Fray Miguel Lucio Bustamante at may di-waing laban sa pagsulong at edukasyon ng mga Filipino.
tan·dâng pa·dam·dám
png |Gra |[ tandâ +ng pa+damdam ]
:
bantas (!) na ginagamit sa pangungusap na padamdam hal Ay nahulog! : EXCLAMATION POINT,
INTERJECTION2,
PADAMDÁM2
tan·dâng pa·na·nóng
png |Gra |[ tandâ +ng pang+tanóng ]
:
bantas na pananong (?) : PANANONG2,
QUESTION MARK
Tan·dâng Sé·lo
png |Lit
:
sa El Filibusterismo, ama ni Kabesang Tales.
Tan·dâng Só·ra
png |Kas
:
tawag kay Melchora Aquino.
tan·da·yág
pnr |[ ST ]
:
matigas at hindi nababaluktot.
Tan·dá·yag
png
1:
Zoo
sa maliit na titik, balyéna
2:
Mit
[Bik]
isang malakíng ahas.
tan·da·yák
png |[ ST ]
:
damit na maganda ang kulay.
tan·dá·yan
png |[ ST ]
:
baskagang ginagamit sa paghábi ng tela.
tán·dem
png |[ Ing ]
1:
bisikleta na may dalawang sakay na kapuwa pumípedal
2:
dalawang tao, mákiná, at iba pa na magkatulong.
tan·dí·kan
png |Zoo |[ Pal Tbw ]
:
paboreal (Polyplectron emphanum ) na matatagpuan sa kagubatan ng Palawan, matingkad na asul na may mapusyaw na kulay pilak ang buntot, may putîng guhit sa ibabaw ng matá na umaabot sa likod ng leeg, mahabà ang mga paa at ang magkabilâng binti ay may tahid na matutulis.
tan·dí·ngan
png |[ Mrw ]
:
pamamalakad ng pamahalaan.
tan·di·píl
png |[ ST ]
1:
katamtamang habà ng buhok : TANDAPÍL
2:
mala-pad ang noo at matulis ang ulo : TANDAPÍL
tan·dís
png |[ ST ]
1:
maayos na pagkakalagay ng isang bagay
2:
ginagamit ding patalinghaga para sa pahayag o kilos para magbigay ng patibay.
tan·dó
png |[ Kap ]
:
dúngaw o pagdungaw.
tan·dós
png
1:
sandatang yarì sa mahabàng tagdan at may tulis sa dulo na yarí sa asero
2:
sibat1 var tandús
Tan·du·lá·nen
png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Tagbanwa.