• ta•ngá

    png

  • tá•nga

    png
    1:
    [Bik] langgám
    2:
    [Seb] ípis1
    3:
    pagpapahabà ng leeg upang makita ang isang bagay.

  • ta•ngà

    png
    1:
    panggabing kulisap (order Lepidoptera) na kahawig ng paruparo at gamugamo, karaniwang namamahay sa damit na hindi ginagamit
    2:
    maliit na uwáng na may uod na karaniwang lumalaki sa loob ng mga binhi, tangkay, o ibang bahagi ng haláman, at marami ang itinuturing na peste sa haláman at mga inimbak na pagkain
    3:
    [ST] sinaunang pagbabawal na may katumbas na parusa
    4:
    [ST] ibigay ang salita at tupdin ang isang bagay
    5:
    [ST] kasunduan ng pagbabayad.