tao,


Tao (taw)

png |[ Ing Chi ]
:
metapisikong konseptong sentro sa pilosopiyang Chino, ang ganap na prinsipyong batayan sa mundo, at pinagbuklod sa loob nitó ang prinsipyo ng Yin at Yang.

tá·o

png
1:
nilikha (genus Homo ) na naiiba sa ibang hayop dahil sa mataas na antas ng kaisipan at komplikadong kakayahan : HOMBRE, HUMAN, MAN3, TÓLAY, TÁWO Cf SÁNGKATAÚHAN
2:
tawag sa isa sa dalawang mukha ng baryá sa kara krus, kappô, at katulad na laro : TIHAYÂ2

ta·ób

png
2:
sa kara krus, ibon Cf TIHAYÂ

tá·ob

png |[ Bik Seb War ]

tá·og

png |Mtr
:
pagtaas ng tubig sa dagat : ÁTAB1, LANÁS, SUWÁG2, SÚMUN, TÁEB, TÁOB Cf KATI

ta·ó·gen

png |[ Ilk ]

Taoism (ta·wí·sim)

png |[ Ing Chi ]
:
isa sa dalawang pangunahing sistemang panrelihiyon at pampilosopiya ng mga Chino, sinasabing itinatag ni Lao tsu noong ika-6 na siglo BC at pinakasentrong konsepto at layunin ang Tao.

ta·ól

png |Med
1:
[ST] típus

ta·ón

png
1:
panahon na binubuo ng 365 araw at 366 kapag bisyesto ; nahahati sa 12 buwan at nagsisimula sa 1 Enero : ÁNYO, BANWÁ2, DAGÚN, TAWÉN, TÚIG1, YEAR
2:
habà ng panahong binubuo ng 365 araw, 5 oras, 48 minuto, at 45.51 segundo ; tagal ng isang ganap na pag-ikot ng mundo sa araw : ÁNYO, BANWÁ2, DAGÚN, TAWÉN, TÚIG1, YEAR
3:
pagkaganap nang magkasabay sa isang pook o panahon, gaya sa “nagkataon” o posibilidad ng gayong pangyayari Cf KOINSIDÉNSIYÁ

ta·óng

png
1:
metal na tangkeng bilóg para sa pagdadala ng tubig
2:
tangke na imbakan ng patis.

tá·ong

png
:
itim na panyo na inilalagay sa ulo bilang pagluluksa.

tá·ong-bá·yan

png |[ táo+ng+báyan ]
:
mga mamamayan sa isang komunidad o bansa : MÁSA3 var táumbáyan

tá·ong-grá·sa

png |[ táo+na+grása ]

tá·ong-gú·bat

png |[ táo+ng-gúbat ]
:
tao na lumakí sa gubat o may búhay at ugaling katulad ng hayop sa gubat Cf BÁRBARÓ2

Tá·ong-Já·va

png |Ant |[ táo+ng+Java ]
:
sinaunang anyo ng fosil hominid Homo erectus, orihinal na tinatawag na Pithecanthropus, mula sa labíng natagpuan sa gitnang Java noong 1891.

Tá·ong-Pe·kíng

png |Ant |[ tao+ng+ Peking ]
:
hulíng anyo ng fosil hominid Homo erectus na dáting tinatawag na Sinanthropus pekinensis, mula sa labíng natagpuan noong 1926 sa yungib sa Zhoukoudian malapit sa Beijing.

ta·óng pis·kál

png |[ taón+na+piskál ]
:
anumang panahong taunan, hindi nangangahulugang kasabay ng kalendaryo, na sa dulo ay inaalam ng isang kompanya, pamahalaan, at iba pang organisasyon ang kalagayang pampananalapi nitó.

tá·ong-pú·tik

png |Ant |[ táo+na+ pútik ]
:
tao na palaboy sa lansangan at napakarumi : TÁONG-GRÁSA

Tá·ong-Tá·bon

png |Ant |[ táo+ng+Tábon ]
:
sinaunang labí ng tao na tinatáyang 22,000–30,000 taon at natagpuan sa yungib ng Tabon, Palawan noong 1962.

ta·ón lí·gid

png |Psd
:
pansilo ng isda, gawâ sa nilálang patpat ng kawayan.

ta·ós

pnr

ta·ós

pnd |má·ta·ós, tu·ma·ós |[ ST ]
:
matagpuan ang hinahanap.

tá·os

png |[ ST ]
:
boses na malinaw at malakas.

ta·ós-pu·sò

pnr |[ taós+pusò ]
:
nagmumulâ sa tunay at taimtim na damdamin : AMPÉTAPÉTANG, GEDÎ, KINÁSING-KÁSING, SABNÓT, SIPAPÁSNEK

tá·o-ta·ú·han

png |[ táo+táo+han ]
2:
hindi totoong tao
3:
pagiging kasangkapan sa isang gawain, karaniwang may masamâng layunin.