- ta•rát san diego (ta•rát san di•yé•go)png | Zoo:malakíng uri ng tarat (Lanius schach) na mahabà ang bun-tot at kapansin-pansin ang itim na itim na ulo at putîng ilalim ng mukha at leeg
- San Diego (san di•yé•go)png | Lit | [ Esp ]:pangalan ng bayan at pangunahing tagpuan sa Noli Me Tangere
- ta•rátpng | Zoo:ibon (family Laniidae) na katamtaman ang lakí at katangi-tangi sa matigas at matalim na nakakurbang pang-itaas na tuka na ginagamit sa pagdagit ng maliliit na ibon, bubuli, at mga kulisap
- san-pnl:varyant ng sang- at a ginagamit sa mga salitâng nagsisimula sa d, l, r, s, o t, hal sandugo, sandipa, sanlibo b dinudugtungan ng hula-ping , an, hal sanlibutan
- San Fer•nán•dopng | Heg1:kabesera ng Pampanga2:kabesera ng La Union
- San I•sí•dropng:sa Katoliko Romano, patron ng mga magsasaká; ipinagdiriwang ang pista tuwing 15 Mayo
- San Roque (san ró•ke)png | [ Esp ]:prusisyon kasáma ang estatwa ni San Roque upang maiwasan ang anumang sakuna at epidemya
- san péd•ropng | Bot | [ ST ]1:uri ng mabangong palay na tumutubò sa mataas na pook, at napakaliit ng mga butil2:[Bis] ípil-ípil
- San Páb•lopng1:sa Bibliya, a dating si Saul na tagausig ng mga apostoles ni Kristo b nagsulat ng ilan sa mga epistola at ng Aklat ng mga Pahayag2:lungsod sa Laguna
- Silang, Diego (sí•lang di•yé•go)png | Kas:(1730–1763) pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos noong 1762–1763, bána ni Gabriela Josefa Silang
- san páb•lopng | Bot | [ ST ]:palay na tumutubò sa mataas na pook, maliliit ang butil at mabango, tinatawag ding sinampáblo
- San Jose (san ho•sé)png1:sa Bibliya, karpinterong asawa ni Birheng Maria2:kabesera ng Antique3:lungsod sa Nueva Ecija
- San Carlos, Lungsod (san kár•los)png | Heg1:lungsod sa Pangasinan2:lungsod sa Negros Occidental
- Cofradia de San Jose (ko•frá•dya de san hó•se)png | Kas:kapatirang panrelihiyon na itinatag ni Apolinario de la Cruz na inusig ng mga fraile kayâ nag-alsa