teknik
tek·ník
png |[ Ing technic, technique ]
1:
paraan, lalo na ng artistikong pagsasagawâ o pagganap kaugnay sa mekanikal at pormal na detalye, o kaalaman o kakayahan sa isang bagay : TÉKNIKÁ
2:
paraan o metodo sa pag-abot o pagkamit ng isang layon : TÉKNIKÁ
ték·ni·kál
pnr |[ Ing technical ]
1:
ukol sa o kaugnay sa sining pang-industriya, mekaniko, at aplikadong agham : TÉKNIKÓ
3:
ukol sa o nagpapakíta ng pamamaraan : TÉKNIKÓ
ték·ni·ka·li·dád
png |[ Esp tecnicalidad ]
1:
ang pagiging teknikal : TECHNICALITY
2:
teknikal na pahayag o ekspresyon : TECHNICALITY
3:
teknikal na punto o detalye : TECHNICALITY
ték·ni·kó·lor
png |[ Ing technicolor ]
1:
proseso ng may kulay na sinematograpiyang gumagamit ng singkronisadong mga film na monochrome, na bawat isa ay may iba’t ibang kulay upang lumikha ng may kulay na limbag o tatak
2:
Kol
matingkad o tíla buháy na kulay o artipisyal na kaningningan.