• tele- (té•le)
    pnl | [ Ing ]
    1:
    pambuo ng pangngalan na nangangahulugang sa malayò o túngo sa malayò, hal teleki-nesis
    2:
    pambuo ng pangalan ng mga instrumentong gumagana sa malayò o nang malayò, hal telescope, telegraph
    3:
    nagagawâ sa pamama-gitan ng telepono, hal telemarketing.
  • bís•yon
    png | [ Esp vicion ]
    4:
    karanasan, karaniwang itinuturing na makahulugan at may idinudulot na benepisyo, malinaw at kapanipaniwalang nakikíta sa isip bagama’t hindi aktuwal na naroon, karaniwan sa pamamagitan ng impluwensiyang espiritu o impluwensiya ng sikolohiko at pisyolohikong kondisyon
    5:
    anumang nakíta o iniisip na nakíta sa gayong karanasan
    6:
    tanawing kahawig ng pangitain sa panaginip at katulad
    7:
    tanawin, tao, at katulad na may pambihira at di-pangkaraniwang ganda