sabertooth tiger (séy•ber•tút táy•ger) : anumang kabílang sa extinct na uri ng mga pusa (genus Felidae) na mula sa panahong Oligocene at Pleistocene, na may mahabà at tíla sableng mga pangil
orchid tree (ór•kid tri) : punongkahoy (Bauhinia variegata) na 10 m ang taas, may mga bulaklak sa maikling tangkay, at malapad ang mga talulot na nagkakasuson at lila o putî ang kulay, katutubò sa Tsina at India at ginagamit na halámang ornamental sa Filipinas