tisa


ti·sà

png
1:
[Esp teja, tiza] luad na hinurno at ginagamit na pang-atip, pampader, pansahig, at iba pang bahagi ng gusali : BÁTA3, TÉHA, TIHÀ, TILE1
2:
[Esp ateza] maputî at tíla apog na substance na nagagamit na pansulat sa pisara : TSOK, YÉSO
3:
sa bilyar, tíla pulbo na karaniwang asul at ipinapahid sa ulo ng tako.

tí·sak

pnd |ti·sá·kin, tu·mí·sak
:
sundutin ng patpat ; dutdutin ng siko.

ti·sá·la

png |[ ST ]
:
palayok na may malaking bunganga.

ti·sá·na

png |[ Esp ]
:
tsaang may gamot.

ti·sáy

pnr |Kol
:
pinaikling mestísa, ti·sóy kung laláki Cf MESTÍSO