trahe
trá·he de-bó·da
png |[ Esp traje de boda ]
:
damit pangkasal ng babae.
trá·he de-mes·tí·sa
png |[ Esp traje de mestiza ]
:
pormal na kasuotan ng kababaihan, binubuo ng isang blusang sinamay, husi, o pinya na may manggas na tíla pakpak ng paruparo, isang panyuwelo, at isang sáya na may buntot na nakasayad sa sahig.
tra·héd·ya
png |Lit Tro |[ Esp tragedia ]
1:
akdang panliteratura, lalo na isang madulang palabas na may malungkot at punô ng kapahamakang katapusan na dulot ng kapalaran, kahinaan ng loob ng isang tauhan, dikta ng lipunan, at iba pa : TRAGEDY
2:
pangyayaring napakalungkot at punô ng kapahamakan : TRAGEDY