tsa
tsa
png |[ Chi ]
1:
Bot
laging-lungting palumpong o maliit na punongkahoy (Camellia sinensis ) na may putîng bulaklak o ang tuyông dahon nitó : TEA
2:
tsa·áng-gú·bat
png |Bot |[ tsaá+ng gúbat ]
tsa·bí·ta
png |Zoo
:
malakí-lakíng isdang-alat (family Menidae ), maliit ang ulo, pabilog ang katawan ngunit sapad sa tagiliran, medyo bughaw ang pang-itaas na bahagi ng katawan at pinilakan sa ibabâ : BÍLONG-BÍLONG2,
HIWÁS2,
KADÍS,
MOONFISH,
TÁBAS3
tsa·ké
png |[ Esp chaque ]
:
pormal na panlaláking jaket na may harapáng nakalaylay pababâ sa baywang upang kumurba sa likod na tíla buntot.
tsa·ke·tíl·ya
png |[ Esp chaquetilla ]
:
panlaláking jaket na gawâ sa pelus, sutla, at katulad : ISMÓKIN
tsák·lag
png |[ Igo ]
:
paglalagay ng tatô.
tsa·lé·ko
png |[ Esp chaleco ]
:
kasuotang pang-itaas na hanggang baywang ang habà at walang manggas, karaniwang ipinang-iibabaw sa kamisadentro, kinapapalooban ng kurbata at sinasapnan ng amerikana.
tsám·ba
pnr |[ Esp chamba ]
:
nauukol sa isang tagumpay na likha ng isang mabuting pagkakataon o masuwerteng pangyayari.
tsam·pá·ka
png |Bot |[ Esp champaca ]
:
maliit na punongkahoy (Michelia champaca ) na may mabalahibong sanga, malalaki ang dahon, at may bulaklak na paisa-isa na manilaw-nilaw na kayumanggi at napakabango, katutubò sa Himalayas : CHAMPACA
tsam·pá·kang-pu·tî
png |Bot |[ Esp campaca+Tag ng-puti ]
:
punongkahoy (Michelia alba ) na 10 m ang taas, katulad ng tsampaka ang dahon, at may bulaklak na mabango at maputî ang talulot na manipis at makitid, katutubo sa Java.
tsam·póy
png |[ Chi ]
1:
Bot
palumpong (Myrica rubra ) na may kumpol o pumpon ng mga berry na wax coated
2:
inasnan o minatamis na pinatuyông prutas var sampóy
tsam·pu·rá·do
png |[ Esp champurrado ]
:
lugaw na may tsokolate.
tsá·nel
png |[ Ing channel ]
1:
midyum ng komunikasyon : CHANNEL
2:
sa brodkasting, bánda ng dalásang ginagamit sa transmisyon ng radyo at telebisyon, lalo na ang ginagamit ng isang partikular na estasyon : CHANNEL
3:
4:
nadadaanang bahagi ng tubigan : CHANNEL
5:
tíla túbong daánan ng tubig : CHANNEL
tsá·nga
png |Agr |[ Ifu ]
:
sinaunang sistema ng pagpapatubig sa bukid.
tsan·kló
png |[ Esp chanclo ]
:
sapin sa paa, walang takong at ginagamit na proteksiyon ng sapatos laban sa putik.
tsán·sa
png |[ Esp chanza ]
1:
posibilidad o probabilidad na mangyari ang isang bagay : CHANCE
2:
ang katuparan ng hindi o inaasahang mga pangyayari kahit walang tiyak na plano o paghahanda : CHANCE
3:
oportunidad na gawin ang isang bagay upang magtagumpay : CHANCE,
PAGKAKATAON3
4:
tiket sa ripa o loteriya : CHANCE
tsán·se·lór
png |[ Ing chancellor ]
1:
titulo o ranggo ng mahalagang hukóm at ibang matataas na pinunò : KANSILYÉR
2:
punòng tagapangasiwa ng isang pamantasan : KANSILYÉR
tsá·pa
png |[ Esp chapa ]
1:
katangi-tanging tandâ o kasangkapang isinusuot upang ipakíta ang ranggo, pagiging kasapi, at iba pa : BADGE2,
NAMEPLATE2
2:
anumang namumukod na panandâ o simbolo Cf INSIGNIA
tsá·pe·rón
png |[ Ing Fre chaperone ]
:
tao, lalo na nakatatandâ o may asawang babae, na sumasáma sa isang batà at wala pang asawa para sa katumpakan ng mga ikinikilos ng hulí o bílang bantay hábang nása labas ng tahanan o nása isang pagtitipon.
tsap -is·tík
png |[ Ing chopstick ]
:
pares ng manipis na patpat, karaniwang gawa sa kahoy o garing, at ginagamit na pang-ipit ng pagkaing isusubò.
tsap·súy
png |[ Ing chopsuey ]
:
putaheng karne na iginisang may kasámang sari-saring gulay, karaniwang repolyo, toge, carrot, at iba pa : LUTÒNG MAKÁW var sapsóy
tsa·ré·ra
png |[ Esp charera ]
:
lalagyang may buhusan, hawakán, at takip, ginagamit sa pagtitimpla ng tsa at sa pagsasalin nitó Cf TÉKWAN
tsa·ról
png |[ Esp charol ]
:
katad na matigas, makintab, at karaniwang itim var saról2
tsart
png |[ Ing chart ]
2:
mapa na nagpapakíta sa baybayin, batuhán, kinatatayuan ng mga parola, lalim ng dagat, at iba pang impormasyong gamit ng magdaragat KÁRTA3
tsár·ter
png |[ Ing charter ]
1:
nakasulat na pagbibigay ng karapatan ng isang lehislatura, lalo na sa pagbubuo ng isang bayan, kompanya, unibersidad, at iba pa o nakasulat na konstitusyon o paglalarawan ng mga funsiyon ng isang organisasyon, at iba pa : KÁRTA1
2:
kontrata sa pag-upa ng isang eroplano, barko, at katulad para sa isang natatanging layon KÁRTA1
tsá·sis
png |Mek |[ Ing chassis ]
:
balangkas na salalayan ng kotse, kasáma ang suspensiyon, manibela, preno, gulóng, at goma.
tsás·ko
png |[ Esp chasco ]
:
pagiging bigô.
tsá·ta
png |[ Esp chata ]
:
sapád na orinolang ginagamit ng maysakít.
tsáw·min
png |[ Chi ]
:
putaheng Chino-Americano, binubuo ng nilagang karne, sibuyas, celery, toge, at iba na inihahaing may kasámang pritong pansit.