tuba
tuba (tyú·ba)
png |Mus |[ Ing ]
1:
instrumentong hinihipan na may mababàng tono
2:
ang tumutugtog nitó.
tu·bâ
png
:
mabulang alak mula sa katas sa sasâ o niyog.
tú·ba
png |Bot |[ Bik Hil Iba Ilk Kap Mrw Tag ]
:
uri ng palumpong na may mga butóng pinagkukunan ng croton oil na ginagamit sa panggagamot o lason sa isda : TAGUMBÁW
tu·bád
pnr
:
malambot o hindi matatag, gaya sa halámang hindi naaaráwan.
tú·bang-mo·rá·do
png |Bot |[ túba+ng morádo ]
:
tuwid na palumpong (Jatropha gossipifolia ), 1 m ang taas, may dahon na morado ang kulay kapag murà, at may bulaklak na maliit, morado, at tatluhan ang lihà, katutubo sa tropikong America.
tu·bár
png |[ ST ]
:
pagluluwag sa katad ng tambol.
tu·bá·tob
png
:
munting gora sa bao ng ulo katulad ng gora na isinusuot ng mga kardenal.
tu·bá·tub
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, bandana ng kababaihan na itinatalì nang mahigpit sa ulo.
tú·ba-tú·ba
png |Bot
:
palumpong (Jatropha curcas ) na 5 m ang taas, mataba, silindriko, at lungtian ang mga sanga, maliliit ang bulaklak na lungtiang putî, at may bungang bilugan na 4 sm ang diyametro, nakukunan ng langis, at katutubò sa tropikong America : PHYSIC NUT,
TUBÁNG-BÁKOD
tu·ba·yán
png |Bot
:
ube na maitim ang balát.