tubó,
tuba (tyú·ba)
png |Mus |[ Ing ]
1:
instrumentong hinihipan na may mababàng tono
2:
ang tumutugtog nitó.
tu·bâ
png
:
mabulang alak mula sa katas sa sasâ o niyog.
tú·ba
png |Bot |[ Bik Hil Iba Ilk Kap Mrw Tag ]
:
uri ng palumpong na may mga butóng pinagkukunan ng croton oil na ginagamit sa panggagamot o lason sa isda : TAGUMBÁW
tu·bád
pnr
:
malambot o hindi matatag, gaya sa halámang hindi naaaráwan.
tú·bang-mo·rá·do
png |Bot |[ túba+ng morádo ]
:
tuwid na palumpong (Jatropha gossipifolia ), 1 m ang taas, may dahon na morado ang kulay kapag murà, at may bulaklak na maliit, morado, at tatluhan ang lihà, katutubo sa tropikong America.
tu·bár
png |[ ST ]
:
pagluluwag sa katad ng tambol.
tu·bá·tob
png
:
munting gora sa bao ng ulo katulad ng gora na isinusuot ng mga kardenal.
tu·bá·tub
png |[ Seb ]
:
sa sinaunang lipunang Bisaya, bandana ng kababaihan na itinatalì nang mahigpit sa ulo.
tú·ba-tú·ba
png |Bot
:
palumpong (Jatropha curcas ) na 5 m ang taas, mataba, silindriko, at lungtian ang mga sanga, maliliit ang bulaklak na lungtiang putî, at may bungang bilugan na 4 sm ang diyametro, nakukunan ng langis, at katutubò sa tropikong America : PHYSIC NUT,
TUBÁNG-BÁKOD
tu·ba·yán
png |Bot
:
ube na maitim ang balát.
Túb·ba·tá·ha
png |Heg
:
isa sa pinakamalakíng bahay isda sa Asia at ipinahayag na Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO ; matatagpuan sa tubigan ng Filipinas.
tuber (tyú·ber)
png |Bot |[ Ing ]
:
ang maikli, makapal at pabilog na bahagi ng isang tangkay o risoma na karaniwang nása ilalim ng lupa at natatabunan ng bukó o usbong, gaya ng sa patatas.
tubercle (tú·ber·kél, tyú·ber·kél)
png |Med |[ Ing ]
1:
maliit at pabilog na umbok, lalo na sa butó
2:
maliit at pabilog na bukol sa katawan o sa isang organ.
tubercle bacillus (tú·ber·kél ba·sí·lus)
png |Med |[ Ing ]
:
bakteryang nagdudulot ng tuberkulosis.
tu·be·rí·ya
png |[ Esp tuberia ]
:
sistema ng linya ng túbo, karaniwang para sa tubig.
tu·bér·ku·ló·sis
png |Med |[ Ing tuberculosis ]
:
nakahahawa at nakamamatay na sakít at sanhi ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis, kakikitahan ng madalas na pag-ubo, pagpapapawis nang malamig, pananakit ng dibdib at gawing itaas ng likod, panghihina at pangangayayat, at kung malalâ, may kasámang dugo ang plemang inilalabas pag-ubo : HAPÒ2,
ITIKÁ,
SIGÁM,
TÍSIS,
TUYÔ3 Cf TB1
tu·bé·ro
png |[ Esp ]
tu·bíg
pnr |[ ST ]
:
madaldal at sinungaling.
tú·big
png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
tu·bi·gán
pnr |na·tu·bi·gán |[ tubig+ an ]
:
nahinto o nawalan ng gana sa ginagawâ.
tu·bí·gan
png |Heo |[ tubig+an ]
:
lawas ng tubig, gaya ng ilog, lawa, at dagat.
tú·big-u·lán
png
:
tubig na sinahod mula sa patak ng ulan at naiiba sa tubig na mula sa bukal, batis, dagat, at ibang makukuhanan ng tubig gaya ng poso o gripo : RAIN-WATER
túb·le
png |Bot |[ Linao MOc ]
:
maliit na punongkahoy (Derris trifoliata ), hugis bilóg ang muràng lungtiang dahon, at palu-palupot ang sanga.
tub·lí
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng palumpong.
tub·lís
png
:
pagsungkit sa salubsob sa pamamagitan ng karayom o aspile.
tu·bó
png |Bot
:
damo (Saccharum officinarum ) na tumataas nang hanggang 5 m, mahabà ngunit makitid ang dahon, lungtian ang muràng katawan at lila o kayumangging may bahid na pulá kung magulang na, ginagamit sa paggawâ ng asukal, alkohol, alak, sukà, at iba pa : CANE2,
CAÑA2,
ÚNAT3,
SUGAR CANE,
TIBÓS
tu·bò
png |[ Bik Hil Seb Tag War ]
1:
proseso ng natural na pagdaragdag sa lakí o súkat ng anumang buháy na bagay dulot ng pagkain o katulad na elemento na nagpapalakí : GETÓK
2:
3:
pook na pinagmulan ng isang tao o bagay Cf KATUTUBÒ
4:
Bot
panimulang anyo ng pagsupling ng haláman mula sa bunga o binhi nitó.
tú·bo
png |[ Esp ]
:
payát at hungkag na piraso ng metal, glass, goma, at iba pa na ginagamit sa pagpapadaloy ng likido : PIPE1
tu·bód
png |Heo |[ Hil Seb ]
:
tu·bu·rán bukál1
tú·bod
png
:
sunóg na lamán ng isda.
Tú·bod
png |Heg
:
kabesera ng Lanao del Norte.
tu·bóng bi·ná·boy
png |Bot |[ ST tubó+na b+in+aboy ]
:
isang uri ng malaking tubó.
tu·bòng lú·gaw
png |[ ST tubò+na lugaw ]
:
malaking tubò sa kakaunting puhunan.
tu·bós
png |pag·tu·bós
1:
pagkuha o muling pagbilí sa isinangla
2:
pagliligtas mula sa kasalanan at kaparusahan : ÁHON5
tu·bó-tu·bó
png |Bot
:
maliit na punongkahoy na tumutubò malapit sa dagat.
tú·bo-tú·bo
png
1:
Zoo
malakíng isdang-alat (family Aulostomidae ) na may tíla túbong nguso at ulo at may mahabàng tíla túbong katawan, may nag-iisang specie sa Filipinas (Aulostomus chinensis ) : TRUMPETFISH
2:
Bot
[Bik]
binayúyu.
Tú·boy
png |Ant Lgw
1:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Subanen
2:
tawag din sa wika nitó.
tu·bù·an
png |Bot |[ tubò+an ]
:
niyog na mayroon nang tubò, maaari ring gawing kalibkib.
tû-bub
png |Agr |[ Ifu ]
:
dalúyan ng tubig mula sa loob ng payyo.
tú·bug
png |[ Kal ]
:
pagpapaitim o pagmamantsa ng ngipin gamit ang itim na tinà mula sa dagta ng bayabas at mula sa mga haláman.