tungko
tung·kô
png
:
may tatlong paa na patungan o salalayan ng palayok, takore, at iba pa, sa ibabaw ng apoy : SÚG-ANG2
tung·kód
png |[ Hil Mag Tag War ]
:
pútol ng kahoy o yantok na karaniwang ginagamit na pantulong sa paglalakad, lalo na ng matatanda : BASTÓN,
CANE3,
STAFF1,
WALKING STICK
tung·kód-pa·rì
png |Bot
:
palumpong (Cordyline fruticosa ) na tumutubò nang mataas, may mga tangkay na may markang pilat ng dahon, at itinatanim bílang palamuti : BASTON DE-SAN JOSE,
CORDYLINE,
DANGÁ2,
KILÁA,
KILÁLA
tung·kól
png
:
pagkuha o pagganap sa tungkulin ng iba.
tung·kól
pnu
:
hinggíl sa ; ukól sa.
tung·kós
png
1:
pumpon ng bulaklak
2:
bungkos ng dahon, patpat, at iba pa
3:
pagdadalá ng anuman sa pa-mamagitan ng itiniklop na laylayan ng palda o ng itiniklop na laylayan ng kamiseta.