tó·ra
trab·yé·sa
png |[ Esp traviesa ]
:
piraso ng kahoy na ihihahanay nang pahaláng at pinagkakabitan ng magkabilâng bakal ng riles.
trace (treys)
pnd |[ Ing ]
1:
tuklasin, siyasatin, o siyasatin o hanapin ang bakás
2:
sundan o markahan ang bakás
3:
tracheotomy (tra·ki·yó·to·mí)
png |Med |[ Ing ]
:
operasyon sa paghiwa ng trachea upang isaayos ang bará sa paghinga.
trachoma (tra·kó·ma)
png |Med |[ Gri ]
:
nakahahawang pamamagâ ng matá na may mga butlig sa rabaw ng talukap.
trachyte (tréy·kayt)
png |Heo |[ Ing ]
:
pinong butil ng batóng igneous.
track (trak)
png |[ Ing ]
1:
tandâ o bakás na naiwan ng tao, hayop, o isang bagay na dumaan Cf TRAIL
2:
pook ng karera na karaniwang bakô-bakông daan at ang ruta ng isang atleta sa paligsahan, lalo na sa pagtakbo
3:
seksiyon ng isang rekord, casette tape, at iba pa.
track and field (trak end fild)
png |Isp |[ Ing ]
:
pangkat ng isports na kinapapalooban ng mga pangunahing pisikal na aktibidad, tulad ng paglakad, pagtakbo, paglundag, at paghahagis Cf ATHLETICS
tract (trakt)
png |[ Ing ]
1:
lawak ng rehiyon ng lupa, tubig, at iba pa
2:
Ana
tiyak na rehiyon o bahagi ng isang organ o sistema.
trademark (tréyd·mark)
png |[ Ing ]
1:
kasangkapan, salita, o kombinasyon ng mga salita na isineguro ng isang kompanya sa pamamagitan ng legal na pagpapatalâ o pinatatag ng matagal na paggamit nitó at kumakatawan sa kompanya : TATÁK3
2:
namumukod na katangian, at iba pa.
trade union (treyd yún·yon)
png |[ Ing ]
:
organisadong asosasyon ng mga manggagawa sa isang negosyo, kalakalan, o isang propesyon ; nabuo upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga mang-gagawà.
trade wind (treyd wind)
png |Mtr |[ Ing ]
:
halos hindi pabago-bagong hangin sa silangan na dumadaan sa mga tropiko at semitropikong bansa sa buong mundo, pangunahing mula sa hilagang silangan sa Hilagang Hemisphere, at mula sa timog silangan sa Timog Hemisphere.
tra·dis·yón
png |[ Esp tradicion ]
1:
pagsasalin ng mga kaugalian, paniniwala, at iba pa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon : TRADITION
2:
matagal nang naitatag na kaugaliang may bisà ng hindi nakasulat na batas : TRADITION
tra·dis·yo·nál
pnr |[ Esp tradicional ]
:
ukol sa, batay sa, o nakamit sa pamamagitan ng tradisyon : TRADITIONAL
tra·dis·yo·na·lís·mo
png |[ Esp tradicionalismo ]
1:
pagsunod sa tradisyon, lalo na hinggil sa relihiyon : TRADITIONALISM
2:
sistema ng pilosopiya hinggil sa katotohanan o kaalamáng panrelihiyon na mula sa banal na rebelasyon at tradisyon : TRADITIONALISM
tra·dis·yo·na·lís·ta
png |[ Esp tradicionalista ]
:
tao na naniniwala sa tradisyon.
tra·dis·yo·nís·ta
png |[ Esp tradicionista ]
:
tao na sumusunod o nagtataguyod sa tradisyon, lalo na ang nauukol sa relihiyon.
tra·duk·si·yón
png |Lit Mus Say |[ Esp traduccion ]
:
sálin3 o pagsasálin1
traffic light (trá·fik láyt)
png |[ Ing ]
:
elektronikong senyas na kumokontrol ng trapiko sa pamamagitan ng mga ilaw na may kulay, karaniwang pulá, dilaw, at lungti.
tragic (trá·dyik)
pnr |[ Ing ]
1:
malungkót ; nakalulungkot
2:
may katangian ng isang trahedya.
trá·he de-bó·da
png |[ Esp traje de boda ]
:
damit pangkasal ng babae.
trá·he de-mes·tí·sa
png |[ Esp traje de mestiza ]
:
pormal na kasuotan ng kababaihan, binubuo ng isang blusang sinamay, husi, o pinya na may manggas na tíla pakpak ng paruparo, isang panyuwelo, at isang sáya na may buntot na nakasayad sa sahig.
tra·héd·ya
png |Lit Tro |[ Esp tragedia ]
1:
akdang panliteratura, lalo na isang madulang palabas na may malungkot at punô ng kapahamakang katapusan na dulot ng kapalaran, kahinaan ng loob ng isang tauhan, dikta ng lipunan, at iba pa : TRAGEDY
2:
pangyayaring napakalungkot at punô ng kapahamakan : TRAGEDY
trá·hi·kó
pnr |[ Esp tragico ]
:
napakalungkot at punô ng kapahamakan.
trá·hi·kó·mi·kó
png |Lit Tro |[ Esp tragicomico ]
:
dula, nobela, at iba pa na may halòng elemento ng lungkot at katatawanan.
trail (treyl)
png |[ Ing ]
1:
daan o ruta na palagiang dinadaanan ng tao o hayop
2:
bakás na naiwan ng tao, hayop, o bagay, lalo na ang sinusundan ng isang áso, mangangáso, at katulad Cf TRACK
training (tréy·ning)
png |[ Ing ]
:
sánay1 o pagsasánay.
trait (treyt)
png |[ Ing ]
:
katangian1 lalo na ng tao.
trajectory (tra·dyék·to·rí)
png |[ Ing ]
:
ang linyang dinadaanan ng isang bagay na humagis o lumipad, o kumikilos sanhi ng ilang hatag na puwersa.
trak
png |[ Ing truck ]
:
malakíng sasakyang ginagamit sa pagdadalá ng mabibigat na bagay, tropa, at iba pa : KAMYÓN1
tra·ké·a
png |Ana |[ Esp tráquea ]
1:
túbong daluyan sa paghahatid ng hangin mula sa bagà na humahabà sa larynx hanggang bronchi : TRACHEA
2:
sa mga kulisap at anthropod, isa sa mga túbong naghahatid ng hangin sa sistemang respiratory : TRACHEA
trak·si·yón
png |[ Esp traccion ]
1:
pagbatak o paghila ng mga karga sa trak
2:
pagbatak na lakas ng isang gumagalaw.
trak·tó·ra
png |Agr Mek |[ Esp ]
:
maliit, malakas, at de-motor na behikulong humihila sa mákináng pansáka, mga karga, at iba pa : TRACTOR
tram·bi·yá
png |[ Esp tranvia ]
:
sasakyang pampubliko, mahabà na tíla tren, bukás ang magkabilâng gilid, at hinihila ng kabayo o de-koryente : STREETCAR
trá·mo
png |[ Esp ]
:
kahabaan ng riles ; bahagi ng tulay.
tramp
pnd |[ Ing ]
:
lumakad nang mabigat ang bagsak ng paa.
trám·po·lí·na
png |[ Esp ]
:
net ng matibay na tolda o kambas na nakabanat sa isang balangkas, ginagamit ng mga akrobat : TRÁMPOLÍN
trance (trans)
png |[ Ing ]
1:
kalagayan ng tao na katulad ng pag-idlip o bahagyang pagkakaroon ng malay at hindi tumutugon sa panlabas na estimulo kalagayan ng tao na katulad ng isang nása ilalim ng hipnotismo : SÁNIB2
2:
ang gayong kalagayan na nangyayari sa isang babaylan, espiritista, manghuhula, at katulad : SÁNIB2
trang·ká·so
png |Med |[ Esp trancazo ]
trang·kíl·ya
png |Ark |[ Esp tranquilla ]
:
maliit na trangka.
tranquilizer (tráng·kwi·láy·ser)
png |Med |[ Ing ]
:
gamot na pampakalma o pampabawas sa kirot, nerbiyos, at iba pa.
transact (tran·sák)
pnd |[ Ing ]
:
magsagawâ o makiugnay hinggil sa isang bagay, lalo na sa negosyo ; makipagtransaksiyon.
tran·sak·si·yón
png |[ Esp transaccion ]
:
pagsasagawâ ng kasunduan, ugnayang pangnegosyo, at katulad : TRANSACTION
transcend (tran·sénd)
pnd |[ Ing ]
1:
lumampas sa saklaw ng karanasan, katwiran, at paniniwala ng tao
2:
umigpaw ; mangibabaw.
transcendent (tran·sén·dent)
pnr |[ Ing ]
1:
nangingibabaw sa karanasang pantao
2:
hindi umiiral sa tunay na karanasan o realidad
3:
umiiral sa labas ng saklaw ng materyal na realidad.
transcribe (trans·kráyb)
pnd |[ Ing ]
1:
gumawâ ng nakasulat na kopya
2:
italâ para sa paggamit sa hinaharap.
tran·sek·su·wál
png |[ Esp transsexual ]
:
nagtataglay ng katangiang pisikal ng isang kasarian at katangiang pansikolohiya ng ibang kasarian.
tran·sen·den·tál
png |Pil |[ Esp transcendental ]
1:
mula sa nauna o dati na ; itinuturing na bahagi na at kailangan sa karanasan : TRANSCENDENTAL
2:
nagpapaliwanag sa matter at obhetibong bagay-bagay bílang bunga ng subhetibong kamalayan : TRANSCENDENTAL
3:
nauukol sa dibino bílang pangunahing gabay sa sangkatauhan : TRANSCENDENTAL
tran·sen·den·ta·lís·mo
png |Pil |[ Esp transcendentalismo ]
:
kilusan sa pilosopiya noong ika-19 siglo sa America na nagtataguyod ng paniniwala sa dibinidad na malaganap sa buong sansinukob at sangkatauhan : TRANSCENDENTALISM
transexual (tran·séks·wal)
png |[ Ing ]
1:
tao na transexual
2:
tao na nag-palit ng kasarian sa pamamagitan ng operasyon.
tráns·fer
pnd |[ Ing ]
:
ilípat o lumipat.
transfigure (trans·fíg·yur)
pnd |[ Ing ]
:
magbago ng anyo o itsura, lalo na upang maiangat ang antas o maging ideal.
trans·fórm
pnd |[ Ing ]
:
magbago nang ganap sa anyo, katangian, at iba pa.
transformational generative grammar (trans·for·méy·syo·nál dye·ne· réy·tiv grá·mar)
png |Lgw |[ Ing ]
:
transformational grammar.
transformational grammar (trans· form·éy·syo·nál grá·mar)
png |Lgw |[ Ing ]
:
gramatika na binubuo ng isang set ng mga tuntunin na naglalatag ng lahat at tanging mga panggramatikang pangungusap ng isang wika, gaya ng mga tuntunin hinggil sa pagbuo ng mga sugnay na naglalatag ng mga makatwiran at pang-ilalim na balangkas ng mga pangungusap nitó kapag ginagamit sa mga salita ng isang wika : TRANSFORMATIONAL GENERATIVE GRAMMAR
transient (tráns·yent)
png |[ Ing ]
:
panandaliang panauhin, mangga-gawà, at iba pa.
transient (tráns·yent)
pnr |[ Ing ]
:
nauukol sa maikling panahon ; hindi pangmatagalan.
tran·sís·tor
png |[ Ing ]
1:
radyo na may transistor
2:
aparatong semiconductor na binubuo ng tatlong magkapatong na terminal na may kakayahang palakasin o maiwasto sa tamang lakas ang daloy ng mga elektron.
tran·sis·yón
png |[ Esp transicion ]
1:
paglipat mula sa isang kalagayan, pook, o gawain túngo sa iba : TRANSITION
2:
ang panahong ganito : TRANSITION
3:
salita, parirala o pangungusap na nag-uugnay sa paksa sa kasunod : TRANSITION
4:
Mus
modulasyón1
tran·si·tí·bo
png |Gra |[ Esp transitivo ]
:
pandíwang palipát.
transition metal (trans·sí·syon mé·tal)
png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa set ng mga element na matatagpuan sa dakong gitna ng periodic table (Mga Grupong IV B VIII, IB, IIB, o 4 12), kabílang ang bakal, tanso, at pilak.
transitive (tráns·si·tív)
pnr |[ Ing ]
1:
Gra
tingnan pandiwang palipat
2:
Pil
sa lohika, tumutukoy sa relasyon na balido sa alinmang dalawang sang-kap ng isang serye at sa lahat ng pares ng sumusunod na sangkap.
transitive verb (trán·si·tív verb)
png |Gra |[ Ing ]
:
pandíwang palipát.
trans·kri·bí
pnd |i·trans·kri·bí, mag· trans·kri·bí |[ Esp transcribir ]
1:
gumawâ ng isang nakasulat o naka-makinilyang kopya ng isang talâng nakaisteno, isang panayam, at iba pa
2:
sa musika at radyo, gumawâ ng transkripsiyon.
trans·krip·si·yón
png |[ Esp transcrip-cion ]
1:
ang proseso ng pagtrans-kribi
2:
pagsasaayos ng isang piyesa ng musika para sa isang instrumento, boses, at iba pa, bukod sa orihinal na nakasulat
3:
arekording ng isang programa, at iba pa para sa isang brodkasting sa radyo bpraktika ng paggamit ng gayong rekording.
translate (trans·léyt)
pnd |[ Ing ]
:
mag-salin o isalin.