uba
u·bág
png |Bot |[ ST ]
:
uri ng ilahas na ube.
u·bá·hob
png |Med |[ ST ]
:
pagsuob sa babaeng bagong panganak o sa maysakít.
u·bá·kan
png |Bot |[ ST ]
:
yantok na may balát.
ú·ban
png |[ Bik Hil Ilk Kap Seb Tag ]
:
putîng buhok sa ulo — pnd mag·ka·ú·ban,
mag-ú·ban,
u·bá·nin.
u·bá·nin
pnr |[ uban+in ]
:
maagang pumutî ang buhok.
u·bá·ob
png
1:
anyo ng ulo o mukha na nakasubasob
2:
pagkatálo sa laro, away, sugal, at katulad
3:
pagkalulóng sa anumang bagay.
u·bás
png
1:
[ST]
paliligo ng babae sa unang pagkakataon na dinatnan ito ng regla
2:
[Bik]
tuyông lupa.
u·bás
pnr
:
wala nang katas, gaya sa nátirá sa gugo matapos itong gamitin.
ú·bas
png
1:
Bot
[Esp uva+s]
baging (genus Vitis ) na makinis ang balát, kumpol-kumpol ang bunga na nakakain at nagagawáng alak, katutubò sa Europa : GRAPE
2:
Bot
[Bik Hil Seb Tag]
sapal ng gugo.
ú·bat
png |Bot |[ ST ]
1:
isang uri ng halaman
2:
kahoy na mula sa China.
u·ba·tí·kos
png |Heo |[ ST ]
:
batóng mineral mula sa China na kombinasyon ng arseniko at asupre.
u·ba·yà
png |[ ST ]
:
salitâng-ugat ng paubayà, paggálang sa iba at pagbibigay ng pagkakataon sa kaniya na sabihin ang kaniyang katwiran, at págpapaubayà, pagiging mahinahon at mapagbigay-daan var ubáya