umbrella (am•bré•la) 1: páyong 2: proteksiyon o pamamatnubay 3: ahensiyang tagapag-ugnay 4: bagay na nagsisilbing takip o proteksiyon ng isang kampo mula sa atake ng mga sasakyang pang-himpapawid ng kaaway 5: bilóg at mala-gulamang katawan ng dikya
umbrella plant (am•bré•la plant) : nakapumpong haláman (Cyperus alternafolius) na 1.5 m ang taas, may silindrikong tangkay na pinagmumulan ng tíla rayos at nakalaylay na mga dahon, katutubò sa Madagascar at itinatanim bílang halámang ornamental sa Filipinas