unan


ú·nan

png
:
salalayan ng ulo kapag nakahiga, lalo na ang telang bag na tigib sa goma, balahibo, dayami, at ibang malambot na palamán : ALMOHÁDA, DANGANÁN, OLÓNAN, PILLOW, PUNGÁN, TÍLAM1, TUNGÁN, ULÚNAN, UNLÁN

u·ná·nar

png |[ ST ]
:
pananaginip sa naiisip dati.

u·náng

png |[ ST ]
:
pag-ulit sa sinabi na.

ú·nang gí·nang

png |[ una+na ginang ]
1:
asawa ng pangulo : FIRST LADY
2:
babae na nangunguna o natatangi sa isang partikular na larang o propesyon : FIRST LADY

ú·nang pa·na·ú·han

png |Gra |[ una+na pang+tao+han ]
:
panauhan ng panghalip na panao na tumutukoy sa táong nagsasalita, hal ako, akin, natin : FIRST PERSON

ú·nang pa·ngá·lan

png |[ una+na pangalan ]
:
pangalang ibinibigay sa isang tao pagsilang o pagkabinyag at ginagamit o isinusulat bago ang apelyido : FIRST NAME, GIVEN NAME

unanimous (yu·ná·ni·mús)

pnr |[ Ing ]
1:
nagkakasundo lahat
2:
sa opinyon, batas, at katulad, ginanap o binigyan ng bisà sa pamamagitan ng pangkalahatang kasunduan.

u·ná·no

png pnr |[ Esp enano ]
:
tao na pandak, karaniwang normal ang laki ng ulo ngunit maikli ang mga paa at kamay : DWARF1, ENÁNO, HIMANDÁK, HOBBIT2, MIDGET var ináno Cf DUWÉNDE