- ú•nang pa•ngá•lanpng | [ una+na pangalan ]:pangalang ibinibigay sa isang tao pagsilang o pagkabinyag at ginagamit o isinusulat bago ang apelyido
- u•nángpng | [ ST ]:pag-ulit sa sinabi na
- ú•nang pa•na•ú•hanpng | Gra | [ una+na pang+tao+han ]:panauhan ng pang-halip na panao na tumutukoy sa táong nagsasalita, hal ako, akin, natin
- ú•nang gí•nangpng | [ una+na ginang ]1:asawa ng pangulo2:babae na nangunguna o natatangi sa isang partikular na larang o propesyon