uso


ú·so

pnr
:
ukol sa bagay na nakahiligan ng mga tao sa isang panahon.

ú·so

png
:
pangkasalukuyan o umiiral na moda.

ú·sod

png
1:
magdamag na pagtigil sa isang pook

u·sóg

png
1:
kalagayang sumasakít ang tiyan na pinaniniwalaang dalá ng isang táong bumati sa kapuwa, lalo sa isang sanggol : OHÍYA
2:
sakít ng tiyan na dulot ng isang yerba na ganito ang pangalan.

ú·sog

png |[ ST ]
:
sakít o lagnat na dulot ng lupa.

u·sók

png |[ Bik Hil Seb War ]

ú·sok

pnd |i·ú·sok, mag-ú·sok, u·sú·kin |[ ST ]
:
ilipat ang mga haligi.

ú·sok

png
1:
[Bik Hil Seb Tag War] tíla abuhing ulap mula sa nasusunog, kumukulông tubig, o singaw ng lupa, lalo na ang nakikíta dahil sa mga particle na karbon : ALIPOYÓ, ASÉWEK, ASÓ, ASÓK, ASÚK, DÁPOG1, FUME2, KOPALÍS, SMOKE1 — pnd ma·ú·sok, pa·u·sú·kin, u·mú·sok
2:
[War] tírik1

ú·song

png |[ ST ]
:
pagpasan ng dalawang tao gamit ang pingga Cf TUWÁNG

ú·sor

png |[ ST ]
:
pagdatíng at pagtigil sa bayan upang gawin ang isang bagay sa kinabukasan.

us-ós, u·sós

png |pag-u·sós
1:
[Bik Hil Seb Tag War] pagdulas o pagdausdos pababâ
2:
[Ilk] pagpangos ng tubó
3:
[Pan] kusang ambag.