- vacuum (vák•yum)png | [ Ing ]1:espasyong walang matter2:espasyong kulob at tinanggalan ng ilang matter, lalo na ng hangin, upang pahinain kaysa atmospera ang presyon ng nátiráng matter3:antas o estado ng pagkasaid o pagkaubos ng matter sa isang espasyo4:pinaikling vacuum cleaner
- vacuum cleaner (vák•yum clín•er)png | [ Ing ]:de-koryenteng aparato na panghigop sa dumi ng karpet, sahig, muwebles, at katulad