vi
via (vá·ya, ví·a)
pnt |[ Ing Lat ]
:
sa pamamagitan ng.
viable (vá·ya·bél)
pnr |[ Ing ]
1:
may kakayahan
2:
maaaring tumubò o sumibol
3:
umunlad nang normal sa isang kondisyon ng kaligiran
4:
Med
sa fetus na nása yugto ng pagiging sanggol, maaari nang mabúhay sa labas ng sinapupunan
5:
maaaring maging mabisà o mainam.
viaduct (vá·ya·dákt)
png |[ Ing ]
1:
mahabà at tíla tulay na estruktura, gaya ng serye ng mga arko na ginagamit sa pagtatayô ng daan o riles sa ibáyo ng lambak o katulad
2:
gayong daan o riles.
vial (váy·al)
png |[ Ing ]
:
maliit at silindrikong bote, karaniwang ginagamit na lalagyan ng likidong gamot.
viaticum (va·yát·ti·kúm)
png |[ Ing Lat ]
1:
sa Simbahang Katoliko, komunyon na ibinibigay sa tao na malapit nang mamatay
2:
salapi o mga kailangan para sa isang paglalakbay.
vibes (vaybz)
png |Kol |[ Ing ]
:
pinaikling vibration, nangangahulugang pagkakasundo sa ugali, hílig, at iba pa.
vibrant (váy·brant)
pnr |[ Ing ]
1:
mabilis na gumagalaw nang paulit-ulit
2:
sa tunog, mataginting
3:
buháy na buháy
4:
sa kulay, matingkad at kapuna-puna.
vibrate (váy·breyt)
pnd |[ Ing ]
1:
gumalaw nang tulóy-tulóy at paulit-ulit
2:
manginig ; mangatal
3:
umalingawngaw ; tumaginting.
vi·brá·to
png |Mus |[ Ing ]
:
mabilis na varyasyon ng tono sa pagkanta o pagtugtog ng instrumentong hinihipan o may bagting at nagiging sanhi ng panginginig.
vibrator (vay·bréy·tor)
png |[ Ing ]
1:
instrumentong lumilikha ng vibration, karaniwang de-koryente at ginagamit sa pagmamasahe o seksuwal na layunin
2:
anumang lumilikha ng vibration.
vicarious (vay·ká·ryús)
png |[ Ing ]
1:
pagganap o pagtanggap bílang kahalili ng iba
2:
tumatayô o gumaganap bílang kahalili ng ibang tao o bagay
3:
naranasan ang karanasan ng ibang tao sa pamamagitan ng imahinasyon lámang.
vice (vays)
pnt |[ Ing ]
:
sa halip na ; kahalili ng.
vicennial (vay·se·ní·yal)
pnr |[ Ing ]
1:
tumatagal nang dalawampung taon
2:
umiiral o nangyayári tuwing dalawampung taon.
Vice Real Patrono (ví·se re·ál pa·tró·no)
png |Kas Pol |[ Esp ]
:
noong panahon ng Español, titulo ng gobernador heneral sa Filipinas bílang pinakamataas na kinatawan ng hari ng España na tinatawag na Patrono Real.
viceroy (váys·roy)
png |Pol |[ Ing ]
:
tao na itinalagang mamunò sa isang bansa, probinsiya, o kolonya bílang kinatawan ng isang soberano.
vice versa (váy·sa vér·sa, vays vér·sa)
pnb |[ Ing Lat ]
:
nagsasaad ng pagbabago na maaaring magkapalitan ang mga termino o kondisyon.
vicinity (vi·sí·ni·tí)
png |[ Ing ]
1:
rehiyon na malapit sa isang pook ; kalapit na distrito
2:
pagiging malapit.
vicious (ví·syus)
pnr |[ Ing ]
1:
lulong sa bísyo
2:
marahas at matindi
3:
4:
sukdulan ang pagiging hindi kanais-nais.
victor (vík·tor)
png |[ Ing ]
1:
tao na tumálo sa kalaban ; ang nagtagumpay
2:
ang nagwagi sa anumang paligsahan
3:
salitâng ginagamit sa komunikasyon bílang kinatawan ng titik V.
victoria (vik·tór·ya)
png |[ Esp Ing ]
1:
karwahe na mababà, magaan, may apat na gulóng, may upuáng para sa dalawang pasahero, at may maliit at nakaangat na upuán sa harap para sa kutsero
2:
Bot
water lily (Victoria amazonica regia ) na matatagpuan sa Timog America na may dahong karaniwang higit sa 6 pulgada o 15.24 sm ang diyametro at bulaklak na kulay putî hanggang rosas.
Victorian (vik·tór·yán)
pnr |[ Ing ]
1:
hinggil kay Reyna Victoria ng Britanya o sa panahon ng panunungkulan niya (1837–1901)
2:
kaugnay ng mga pananaw na itinuturing na katangian ng nasabing panahon, halimbawa ang pagiging maingat at mahigpit na pagtupad sa kumbensiyong moral
3:
hinggil sa arkitektura, dekorasyon, at kagamitan ng mga Ingles noong 1840–1900, na nagpapamalas ng mabilis na pagbabago sa estilo bunga ng pampilosopiya at estetikong konsiderasyon, inobasyon sa teknolohiya, o pagbabago sa estilo ng pananamit.
victor ludorum (vík·tor lu·dó·rum)
png |[ Lat ]
:
pagkalahatang kampeon sa palakasan.
vicuña (vay·kú·nya)
png |Zoo |[ Esp ]
1:
mammal (Vicugna vicugna o Lama vicugna ) na matatagpuan sa Andes, Timog America, kauri ng lyama ngunit may pino at malasutlang balahibo
2:
tela na gawá sa balahibo nitó
3:
anumang telang kahawig nitó.
vide (ví·de, váy·di)
pnd |[ Ing Lat ]
:
tingnan ; isangguni, karaniwang ginagamit upang ituro sa mambabasá ang ibang bahagi ng teksto.
videlicet (vi·déy·li·két, vi·dé·li·sít)
pnb |[ Lat ]
:
nagsasaad ng tinutukoy, karaniwang ginagamit upang ipakilála ang mga detalye, halimbawa, at katulad Cf VIZ
video (víd·yo)
png |[ Ing ]
1:
proseso ng pagrekord, pagpaparami, o pagbrodkast ng imaheng biswal sa pamamagitan ng magnetikong teyp
2:
biswal na elemento ng brodkast sa telebisyon
3:
Kol
pinaikling video recorder
4:
Kol
pinaikling video film.
video cassette (víd·yó ka·sét)
png |[ Ing ]
:
cassette ng videotape.
video cassette recorder (vid·yó ka·sét re·kór·der)
png |[ Ing ]
:
aparato na ginagamit sa pagrerekord at pagpapatakbo ng video tape Cf VCR,
VIDEO RECORDER
videodisc (víd·yó·disk)
png |[ Ing ]
:
disk na nagrerekord ng gumagalaw na hulagway at tunog na maaaring ipalabas sa telebisyon.
video film (víd·yó film)
png |[ Ing ]
:
pe-likula na inirekord sa videotape.
video game (víd·yó geym)
png |[ Ing ]
:
elektronikong laro na may gumagalaw na hulagway sa iskrin ng telebisyon na nakokontrol ng manlalaro.
video recorder (víd·yó re·kór·der)
png |[ Ing ]
:
video cassette recorder.
video tape (víd·yó teyp)
png |[ Ing ]
:
elektromagnetikong teyp na pinagrerekordan ng mga elektronikong impulse na likha ng mga bahaging video at audio ng isang programa sa telebisyon.
vidimus (váy·di·mús)
png |[ Ing Lat ]
:
nasiyasat o pinatunayang kopya ng ulat o katulad.
vie (vay)
pnd |[ Ing ]
:
makipagtagisan ; makipagpaligsahan.
Vietcong (vyet·kóng)
png |Mil Pol
1:
pinaikling Viet Nam Cong San ; puwersang sandatahan at gerilyang pinamumunuan ng mga Komunista sa Timog Viet Nam noong Digmaang Viet Nam at itinaguyod ng Hilagang Viet Nam
2:
kasapi o sinumang nagtataguyod ng nasabing puwersa.
Vietminh (vyet·mín)
png |Kas Pol
:
pinaikling Viet Nam Doc Lap Dong Minh Hoi ; makabayang Komunistang kilusan sa Viet Nam na itinatatag noong 1941 at ipinaglaban ang kalayaan mula sa France.
Viet Nam (vyet nám)
png |Heg
:
bansa sa timog-silangang Asia.
vietnam rose (vyét·nam rows)
png |Bot |[ Ing ]
:
mababà at gumagapang na yerba (Portulaca grandiflora ), may bulaklak na lumalabas sa dulo ng tangkay, lima ang talulot, at may mga kulay na pulá, puti, dilaw, dalandan, o pink, katutubò sa Brazil at malaganap ang pagtatanim sa Filipinas : ROSE MOSS
view (vyu)
png |[ Ing ]
1:
lawak ng makikíta
2:
3:
anumang nakikíta mula sa isang tiyak na punto o larawan nitó
4:
pagsiyasat sa pamamagitan ng mga matá
viewership (vyú·wer·syíp)
png |[ Ing ]
:
mga tagapanood ng isang programa o tsanel sa telebisyon o pelikula.
viewfinder (vyu·fáynd·er)
png |[ Ing ]
:
bahagi ng kamera na nagpapakíta ng sakop ng lente.
vigil (ví·dyil)
png |[ Ing ]
1:
2:
panahon na sakop nitó
3:
mapayapa at hindi kumikilos na demostrasyon bílang pagpapakíta ng pagtangkilik sa isang kilusán
4:
bisperas ng araw ng kapistahan.
vigilant (ví·dyi·lánt)
pnr |[ Ing ]
1:
mapagmatyag at maingat sa panganib
2:
laging handa sa anumang mangyayari.
vigilante (vi·dyi·lán·te)
png |[ Ing Esp ]
:
kasapi ng isang pangkat na nagpapatupad ng batas nang walang legal na awtorisasyon.
ví·gor
png |[ Ing ]
1:
aktibong lakas o puwersa
2:
malusog na pisikal o mental na enerhiya o kapangyarihan.
Viking (váy·king)
png |[ Ing ]
1:
sinuman sa mga piratang mula sa Scandinavia na sumalakay at nanalasa sa hilaga at kanlurang baybayin ng Europa mulang ikawalo hanggang ikasampung siglo
2:
bandidong naglalakbay sa dagat.
village (víl·idz)
png |[ Ing ]
1:
2:
mga nakatirá dito, karaniwang itinuturing na isang pamayanan
3:
pangkat ng mga tirahan ng hayop na kahawig nitó.
villain (ví·len)
png |[ Ing ]
1:
marahas at malisyosong tao na sangkot o lulong sa kasamaan o krimen
2:
Lit
tauhang kontrabida sa dula, nobela, o katulad.
villanelle (víl·ya·nél)
png |Lit |[ Fre ]
:
tulang liriko na may labinsiyam na taludtod, may dalawang tugma lámang, at inuulit ang ilang linya.
villus (víl·as)
png |[ Ing Lat “malagong buhok” ]
1:
Ana
isa sa maliliit, tíla bulate, at mahimaymay na proseso sa ilang lamad, lalo na sa mucuous membrane ng maliit na bituka na nakatutulong sa pagsipsip ng mga sustansiya
2:
Bot
balahibong mahabà, malambot, tuwid, at bumabálot sa bunga, bulaklak, o ibang bahagi ng ilang haláman.
ví·na
png |Mus |[ San ]
:
instrumentong may bagting, matatagpuan sa India, at binubuo ng mahabà, hungkag, at may traste na may isa, dalawa, o tatlong bílog upang madagdagan ang taginting ng tunog.
vi·na·há·yan
png |[ Iva vi+ahay+an ]
:
pugad na pinangingitlugan ng manok, karaniwang yarì sa basket na nilagyan ng kusot o tuyông damo.
vinaigrette (ví·ne·grét)
png |[ Fre ]
:
botelya o kahon na maliit, ornamental, at ginagamit na sisidlan ng aromati-kong sukà, smelling salt, at katulad.
vinaigrette (ví·ne·grét)
pnr |[ Fre ]
:
sa pagkain, gaya ng asparagus o alkatsopas, inihahaing may salsa na may sukà o vinaigrette sauce.
vinaigrette sauce (ví·ne·grét sos)
png |[ Ing Fre ]
:
salsa ng ensalada na gawâ sa langis, sukà na mula sa umasim na alak, at mga pampalasa.
vinca (víng·ka)
png |Bot |[ Ing Lat ]
:
anumang haláman na kabílang sa genus Vinca, gaya ng Catharanthus roseus, na pinagkukunan ng alkaloyd na ginagamit na gamot sa kanser.
vinculum (víng·kyu·lúm)
png |[ Ing Lat ]
1:
Mat
asa alhebra, pahalang na linya na iginuguhit sa ibabaw ng isang pangkat ng mga termino upang ipahiwatig na kaugnay nitó ang sinusundan o sumusunod dito at upang ipakíta na dapat ituring nang magkasáma hal a+b x c b=ac +bx ngunit a +b x c= a +bc
2:
Ana
lítid1
vindaloo (vín·da·lú)
png |[ Por ]
:
putaheng maanghang na mula sa India, maraming pampalasa, at nilahukan ng curry.
vindication (vín·di·kéy·syon)
png |[ Ing ]
1:
pagpapawalang-sála sa akusasyon, pagdududa, o katulad
2:
pagbibigay ng katwiran
3:
pagtataguyod o pangangatwiran sa pamamagitan ng argumento, layunin, at katulad laban sa oposisyon
4:
pag-angkin para sa sarili o sa iba
5:
pag-aaring muli o paggigiit sa karapatang mag-ari sa titulo ng propyedad sa pamamagitan ng legal na pamamaraan.
vineyard (vín·yard)
png |[ Ing ]
:
plantasyon ng mga ubas, lalo na nakalaan sa paggawâ ng alak.
viniculture (ví·ni·kúl·tyor)
png |[ Ing ]
:
agham o pag-aaral sa paggawâ ng alak.
vintage (vin·tídz)
png pnr |[ Ing ]
1:
alak mula sa isang partikular na ani
2:
taunang produkto ng ani ng ubas, karaniwang tinutukoy ang alak na nagawâ mula rito
3:
katangi-tanging alak mula sa ani ng isang magandang taon, itinalaga at ipinagbibilí bílang produkto ng gayong taon.
vintage (vin·tídz)
pnr |[ Ing ]
1:
may mataas na kalidad, lalo na mula sa nakalipas na panahon, na nagtatanghal ng katangian ng pinakamagandang panahon ng mga akda ng isang tao
2:
mula sa lumipas na panahon
3:
kumakatawan sa mataas na kalidad ng isang panahon.
vinyl (váy·nayl, ví·nil, váy·nil)
png |Kem |[ Ing ]
1:
resin na nabuo sa pamamagitan ng polymerization ng mga compound na naglalamán ng pangkat vinyl o plastik na gawâ sa gayong resin
2:
radical na –CHCH2 na nakukuha sa ethylene sa pamamagitan ng pagtatanggal ng atom ng hydrogen
3:
anuman sa karaniwang matigas, nababaluktot o makintab na plastic, karaniwang ginagamit na pambalot o sa damit.
viol (vá·yol)
png |Mus |[ Ing ]
:
noong ikalabing-anim at ikalabimpitong siglo, instrumentong kahawig ng biyolin na may malalim na tadyang, pabalikong balikat, karaniwang may anim na bagting, at sari-sari ang lakí.
viola (vyó ·la)
png |[ Ing ]
1:
Mus
biyóla1
2:
Bot
halámang mula sa genus Viola na kasáma ng mga pansy at violet, lalo na ang hybrid ng ganitong genus.
violation (vá·yo·léy·syon)
png |[ Ing ]
1:
paglabag sa batas, tuntunin, kasunduan, pangako, utos, at katulad
2:
pagpasok o pagdaan nang puwersahan ng sinumang walang karapatan pumasok o dumaan
3:
gahasà o paggahasà
4:
pagbaluktot sa kahulugan o katunayan.
violence (vá·yo·léns)
png |[ Ing ]
:
dahás1–3 o karahasán.
violone (va·yo·ló·ney)
png |Mus |[ Ing Ita ]
1:
2:
organong de-pedal na may labing-anim na foot tone at may tunog na kahawig ng biyolonselo.