video


video (víd·yo)

png |[ Ing ]
1:
proseso ng pagrekord, pagpaparami, o pagbrodkast ng imaheng biswal sa pamamagitan ng magnetikong teyp
2:
biswal na elemento ng brodkast sa telebisyon
3:
Kol pinaikling video recorder
4:
Kol pinaikling video film.

video cassette (víd·yó ka·sét)

png |[ Ing ]
:
cassette ng videotape.

video cassette recorder (vid·yó ka·sét re·kór·der)

png |[ Ing ]
:
aparato na ginagamit sa pagrerekord at pagpapatakbo ng video tape Cf VCR, VIDEO RECORDER

videodisc (víd·yó·disk)

png |[ Ing ]
:
disk na nagrerekord ng gumagalaw na hulagway at tunog na maaaring ipalabas sa telebisyon.

video film (víd·yó film)

png |[ Ing ]
:
pe-likula na inirekord sa videotape.

video game (víd·yó geym)

png |[ Ing ]
:
elektronikong laro na may gumagalaw na hulagway sa iskrin ng telebisyon na nakokontrol ng manlalaro.

Video Home System (ví·dyo hom sís·tem)

png |[ Ing ]
:
sistema ng video film Cf VHS

video recorder (víd·yó re·kór·der)

png |[ Ing ]
:
video cassette recorder.

video tape (víd·yó teyp)

png |[ Ing ]
:
elektromagnetikong teyp na pinagrerekordan ng mga elektronikong impulse na likha ng mga bahaging video at audio ng isang programa sa telebisyon.