waling


wá·ling

png |[ ST ]
:
pagkikíling ng ulo.

wá·ling·wá·ling

png |Bot
:
uri ng katutubòng dapò (Vanda sanderiana ) at itinuturing na pinakapopular at pinakamaganda sa Filipinas dahil sa bulaklak nitó na malapad ang talulot, may mangasul-ngasul na pink na kulay, at dáting marami sa Bundok Apo.