win
wind
png |[ Ing ]
:
hángin3 ; símoy.
win·dáng
pnr
1:
naligis ; naluray
2:
Kol
nabaliw ; nalitó.
windbreaker (wind·bréy·ker)
png |[ Ing ]
:
uri ng dyaket na hanggang baywang ang habà, gawâ sa manipis na katad o anumang telang hindi tinatagos ng tubig, karaniwang may kuwelyo.
windfall (wínd·fol)
png |[ Ing ]
1:
mansanas o anumang prutas na nalaglag sa lupa sanhi ng hangin
2:
anumang mahalagang bagay na hindi inaasahang matatamo.
wind íns·tru·mént
png |Mus |[ Ing ]
:
instrumentong hinihipan o hangin ang nagpapatunog, gaya ng trumpeta o plawta.
windlass (wínd·las)
png |[ Ing ]
:
mákináng may pahalang na ehe para sa paghila.
window-pane (wín·dow péyn)
png |[ Ing ]
:
pútol ng makapal na salamin, karaniwang kuwadrado, na ginagamit na pampunô sa panloob na espasyo ng balangkas ng bintana.
windpipe (wínd·payp)
png |Bio |[ Ing ]
:
trakéa ng humihingang vertebrate.
windshield (wínd·syild)
png |[ Ing ]
:
kalasag na binubuo ng salamin na nása dashboard ng isang sasakyan.
windsurfing (wind·sér·fing)
png |Isp |[ Ing ]
:
paraan ng pagsakay sa malalakíng alon sa pamamagitan ng isang sapád na kahoy o plastik na may layag, at pinapatnubayan ng isang nakatayông manlalangoy.
wineglass (wáyn·glas)
png |[ Ing ]
:
kopita para sa alak.
wine press (wayn pres)
png |[ Ing ]
:
aparato para sa pagkatas ng ubas para gawing alak.
winning (wí·ning)
pnr |[ Ing ]
:
nagtatagumpay ; nagwawagi.
wintergreen (wín·ter·grín)
png |Bot |[ Ing ]
:
laging-lungting palumpong (Gaultheria procumbens ) na matinik ang hugis-kampanang bulaklak.
winter solstice (wín·ter sóls·tis)
png |[ Ing ]
:
solstice, karaniwang tuwing 21 Disyembre na hudyat ng simula ng winter sa hilagang hemisphere Cf SUMMER SOLSTICE