wire
wire brush (wayr bras)
png |[ Ing ]
1:
brotsa na may matitigas na buhok para sa paglilinis ng maruruming rabaw, lalo na kung metal
2:
Mus
brotsa na ginagamit na pampalò sa pompiyang upang makalikha ng mahinàng tunog na metaliko.
wireless (wáyr·les)
png |[ Ing ]
1:
walang kawad o alambre
2:
ukol sa anumang aparato na pinagagána ng elektromagnetikong alon.
wireman (wáyr·man)
png |[ Ing ]
1:
tao na nagaayos o naglalagay ng mga kawad ng koryente
2:
peryodistang nagtatrabaho sa ahensiya ng telegrapo.
wiretapping (wayr·tá·ping)
png |[ Ing ]
:
akto o teknik ng pakikialam sa linya ng telepono o telegrapo upang lihim na makinig.
wire-walker (wayr-wó·ker)
png |[ Ing ]
:
sirkerong nagtatanghal sa alambre o lubid.