yu


yu·án

png |Kom |[ Chi ]
:
yunit ng pananalapi sa China.

yu·bú·yob

png |[ Ilk ]

yúb·yub·png

|[ Kap ]

yú·ga

png |[ Tau ]

yu·gá·yog

png |[ Ilk ]

yug·tô

png
:
dibisyon o bahagi ng isang dula o isang serye : CHAPTER2, ETÁPA2, STAGE3

yug·yóg

png |[ Bik Seb Tag ]
:
galaw na pabalik-balik, gaya ng galaw ng punongkahoy na hinihipan ng malakas na hangin, o paggalaw sa tao na pinipilit gisingin.

yug·yú·gan

png |Kol |[ yugyóg+an ]

yu·húm

png |[ Hil ]

yú·ka

pnr |[ War ]

yú·kab

pnr |[ Tau ]

yu·ka·yók

pnr
1:
nakasubsob o nakayuko dahil sa bigat o dahil sa hihip ng hangin : BAYUKYÓK

yuk·bò

png |[ Seb ]
:
púgay1 o pagpupúgay.

yu·kô

png |pag·yu·kô |[ Hil Tag ]
:
pagkilos pababâ sa harap ng ulo, karaniwang bílang tanda ng paggálang o pagkatálo : DUNGO2, DÚMUG1, GOLGÓL, TUNGÓ, ÚKOR, YUKÓD var ukô Cf BOW — pnd i·yu·kô, yu·mu·kô.

yu·kód

png
:
yukô var ukód

yu·kót

png
1:
[Hil] lúkot1
2:
Mat [War] isang libo.

yúk·yok

png |Ana |[ Bik ]

yu·lá

png |[ Pan ]
:
bugá1 o pagbugá.

yú·log

png |[ Ilk ]

yu·mì

png

yú·mu

png |[ Kap ]
:
tamís — pnr ma·yú· mu.

yú·ngib

png |Heo
:
natural na hukay o silid sa ilalim ng lupa at may bútas na maaaring pagdaanan ng papasok : ÁSTSIP, CAVE1, CHAMBER5, GÍKAB, GUKÁYAB, KUWÉBA, LÚNGAB, ÓNGIB

yu·ngít

pnr |[ Seb ]

yung·yóng

png |[ Bik ]
:
labis na pagkahinog.

yung·yóng

pnd |yung·yu·ngán, i·yung· yóng
1:
isáma o ilagay ang isang bagay sa pangangalaga ng isang tao bílang proteksiyon
2:
palawakin o palakasin ang impluwensiya at kapangyarihan.

yú·nit

png |[ Ing unit ]
1:
anumang pangkat ng tao o bagay na itinuturing na iisang entidad : SAMBÍLANG
2:
isa sa mga indibidwal o pangkat na bumubuo sa isang bagay ; isa sa mga bahagi o elemento ng isang kabuuan : SAMBÍLANG3
3:
kantidad na pinilì na maging istandard na pansukat at pamantayan ng ibang uri ng pansukat.

yu·nót

png |Bot

yú·og

pnr |[ War ]
:
sobrang hinog.

yú·pa

png |Bot |[ Gad ]

yú·per

png |[ Ilk ]

yu·pì

png
:
pagkasirà ng hugis ng anumang bagay, gaya yero, at katulad : KUMPÍL3, KUPÌ1, LUGPÁP, LÚMPING, PIPÌ1 — pnr yu·pî.

yu·pî

pnr

yu·pók

pnr |[ War ]

yuppie (yá·pi)

png |Kol |[ Ing ]
:
kabataang may mataas na ambisyon, may mahusay na pinag-aralan at propesyon, at namumuhay nang mariwasa sa lungsod.

yup·yóp

png
1:
paggamit ng katawan bílang takip ng nais bigyan ng init o proteksiyon, gaya ng pagtakip ng inahin sa mga sisiw
2:
pagtatagò ng mukha sa unan, dibdib, o kandungan upang ikubli ang lungkot — pnd i·yup·yóp, yu·mup·yóp, yup·yu·pán.

yup·yú·pan

png |Ana |[ War ]

yú·rak

png |pag·yú·rak
1:
paulit-ulit na pagtapak sa isang bagay upang masirà
2:
pagsirà sa puri, karangalan, o pangalan ng isang tao — pnd mang·yú·rak, yu·mú·rak, yu·rá·kan.

yurt

png |[ Tur ]
:
tent na pabilóg, gawâ sa katad o makapal na tela, at madalîng itayô at kalasin, ginagamit ng mga naninirahan sa Mongolia at Siberia.

yu·tà

png
1:
Mat [Kap Tag] ángaw
2:
[Hil Seb] lupà1

yut·yót

png
1:
pagbaluktot o paglundo ng isang bagay pababâ dahil sa bigat : HABYÓG1, HABYÓK
2:
tunog na likha ng pagbaluktot ng poste o paglundo ng upuan, higaan, sanga ng kahoy, at katulad dahil sa bigat o diin na nakadagan — pnd i·yut·yót, mang·yut·yót.

yú·yek

png |[ Ilk ]