- ab•nor•málpnr | [ Esp ]:hindi normal; lihis sa karaniwan
- ab•nor•ma•li•dádpng | [ Esp ]:kalagayang hindi regular o hindi karaniwan
- áb•nutpng | [ Ifu ]:himaymay mula sa bangi
- a•bópng | [ Bik Hil Seb Tag Tau War ]1:pulbos na labí1 ng sinunog na bagay2:labi1 sa katawan ng tao matapos sunugin o maagnas3:tíla abong materyales na ibinubuga ng bulkan4:[Kap] tiráng pagkain5:[Seb] alakáak1
- á•bo•á•bopng | Zoo:malaking isda (Epinephelus undulosis) na may maálon-álong linya sa likod, at kauri ng lapulapu
- a•bó•borpng | [ ST ]1:likod ng maliit na patalim o punyal2:ubod ng punò ng kahoy
- a•bógpnr:malimit na nása anyong negatibo, gaya sa “walang abóg,” “walang kaabóg-abóg,” walang nakaalam o nakarinig
- á•bogpng | [ Hil Seb ]:tabóy1
- a•bo•ga•díl•yopng | [ Esp abogadillo ]:hindi kalipikadong tagapayo ukol sa mga legal na bagay
- a•bo•gá•dopng | [ Esp ]:tao na lisensiyadong magpayo tungkol sa batas at maging kinatawan ng kliyente sa hukuman, a•bo•gá•da kung babae
- abogasíyapng | Bat | [ Esp abogacía ]:propesyon ng batas
- a•bo•gas•yápng | [ Esp abogacía ]:varyant at mas kilalang baybáy ng abogasiya
- a•bó•gongpng | Bot | [ ST ]:mapait na tugî
- a•bo•ká•dopng | Bot | [ Esp Mex aguacate ]:malaki-laking punongkahoy (Persea americana) na 20 m ang taas, eliptiko at matigas ang dahon, at may bungang biluhabâ na berde kung hilaw at nagiging morado kapag hinog, ang lamán sa loob ay berde at dilaw at kinakain, katutubò sa Timog America at ipinasok sa Filipinas noong panahon ng Español