a•be•ní•da : maluwang at makabagong daan ng mga tao at sasakyan, karaniwang may hanay ng punongkahoy sa gilid
a•ben•tu•ró•so 1: handang makipagsapalaran at sumubok ng mga bagong paraan 2: sabik sa bagong karanasan; mapag-abentura; a•ben•tu•ró•sa kung babae
a•be•ras•yón 1: pagiging lihís o pagkalihis 2: pagiging ligáw 3: pagiging ibá o pagkakaibá 4: bahagyang pagbabago ng mga posisyon ng bituin at ibang lawas pangkalawakan 5: hindi pagtatagpo ng mga sinag sa iisang tampulan 6: kamalian sa grado o lente ng salamin