biogas (bá•yo•gás) : uri ng substance na nakalalason, mula sa inimbak at binulok na organikong bagay, at nagagamit na panggatong
bionic (ba•yó•nik) : may artipisyal na bahagi ng katawan o dahil dito, may lakas na higit sa karaniwan
biotin (báy•o•tín) : bitaminang mula sa kristalina (C10H16 N2 O3S) na kabílang sa bitamina B complex, laganap sa tissue ng halá-man at hayop, mahalaga sa pagpigil ng pagkamatáy ng hayop kapag lumabis ang pagkain ng putî ng itlog