bu•há•wi, bu•ha•wì : unos ng malakas at umiikot na hangin, may kakayahang tumangay ng mabibigat na bagay, at lumikha ng malalakíng alon sa dagat
bú•hay 1: panahong itinatagal at paglagi ng tao, hayop, o bagay mula sa simula hanggang sa matapos 2: íral o pag-iral 3: ayos o gawi ng tao 4: kalagayan, anyo, o katayuan ng isang tao 5: kasaysayan ng isang tao, hayop, o bagay
bu•hí 1: pagtakas sa kulungan o pagpapakawala ng nakakulong 2: pagbubukadkad ng layag 3: bahagi na ibinabalik sa isang kasamahan upang maging pantay ang kanilang tatanggaping parte