buk•lát 1: pagbubukás o kayâ’y paglilipat, gaya ng pagbuklat ng aklat 2: paglalantad, gaya sa pagbuklat ng lihim
búk•log : estrukturang kawayan, malimit na umaabot sa 20 talampakan ng taas, may sahig na parang entablado, at ginagamit na sayawan at lundagan ng mga tao kapag may pagdiriwang
buk•lú•ran 1: samahán 2: hukbong lakád na binubuo ng asamblea ng dalawa o higit pang sampanaw o talupad
bu•kó 1: tíla kasukasuang bahagi ng punò ng tubó, kawayan, at ibang katulad 2: kasukasuan ng mga daliri 3: paghanap ng kapintasan o lihim na dahilan upang mapahiya ang isang tao