búng•kag-la•láw : anibersaryo ng kamatayan ng isang tao; panahon ng pagwawakas ng pagluluksa o pagsusuot ng damit na itim
bung•ka•kâ : biyas ng kawayang biniyak ang ibabâng bahagi at inukit na hugis tirador ang itaas na bahagi, at ipinapalò sa palad upang lumikha ng ugong
bung•kál 1: pagtungkab at pagbubukás sa pamamagitan ng puwersa 2: paghukay ng mga bató at paggamit ng asarol o araro para gawing taniman ang lupa 3: dagdag sa silungan sa gilid ng bahay para sa kainan