capriccio (ka•prí•tso) 1: masigla at maikling awitin 2: pintura, larawan, o katulad na nagtatanghal ng pantasya o pinaghalong hinagap at katotohanan 3: kapritso
Capricorn (káp•ri•kórn) 1: pangkat ng mga bituin na anyong kambing 2: a pansampung senyas ng zodyak (22 Disyembre 19 Enero) at isinasagisag ng kambing na may buntot ng isda b tao na ipinanganak nang ang araw ay nása ganitong senyas
Capuchin (ká•pu•tsín) 1: fraile na kasapi ng ordeng Fransiskano na mahigpit na sumusunod sa kautusan ng kaniyang orden 2: sa maliit na titik, balabal at putong na isinusuot ng mga babae 3: sa maliit na titik, unggoy sa Timog Africa (genus Cebus) na may buhok sa ulo na tíla putong ng monghe
car (kar) : sasakyang karaniwang apat ang gulong, bumibiyahe sa kalsada, nakapagsasakay ng tao, at pinatatakbo ng internal combustion engine
carabao grass (ká•ra•báw gras) : kumakalat na damo (Paspalum conjugatum) at may mga dahong makitid, sapád, at 20 sm ang habà, katutubo sa tropikong Amerika ngunit laganap na ngayon sa buong Filipinas