composite (kom•pów•sit) 1: binubuo ng iba’t ibang bahagi 2: binubuo ng nakikilálang sangkap o bahagi 3: kabílang sa pan-limang klasikong order ng arki-tektura at binubuo ng mga elemento ng Ionic at Corinthian 4: may kaugnayan sa pamilyang daisy
compound (kóm•pawnd) 1: halo ng dalawa o higit pang bagay, katangian, o katulad 2: tambalan1 3: substance na binuo mula sa dalawa o higit pang element 4: nababakurang pook na may tirahan, pabrika, o iba pang gusali
compound eye (kóm•pawnd ay) : mata na binubuo ng mara-ming maliliit na yunit o segment pantanaw, gaya ng matatagpuan sa mga insekto o crustacean
comptroller (komp•tró•ler) : empleadong sumusubaybay sa gastusin at pananalapi ng isang kompanya o institusyon
computer (kom•pyú•ter) : mákináng elektroniko na gumaga-mit ng digital signal sa pagpoproseso ng mga komplikadong problema sa matematika, paggawa ng mga pormal na dokumento o ulat, pagtatago ng datos o program upang mapadalî ang gawain, at paglilibang
con- (kon) : katumbas ng com, ginagamit sa mga salitâng nagsisimula sa mga titik na c, d, f, g, j, d, q, s, t, v, at mga patinig