• dí•gem
    png | [ Ilk ]
  • digest (dáy•dyest)
    png | [ Ing ]
    1:
    kalipunan ng mga hinalaw na kasulatang legal o pampanitikan
    2:
    aklat o magasin na naglalamán ng buod ng mga kuwento, artikulo, at katulad
  • digestion (day•dyés•ti•yón)
    png | [ Ing ]
    1:
    pagtunaw o pagkatunaw ng pagkain
    2:
    kakayahang tunawin ang pagkain
  • dig•hál
    png | [ ST ]
  • dig•háy
    png
    :
    tunog ng paglabas ng hangin sa bibig, karani-wang sanhi ng kabusugan
  • di•gi•díg
    png
    :
    yagyág
  • digit (dí•dyit)
    png | [ Ing ]
    1:
    daliri o galamay1,2
    2:
    habà na batay sa lapad ng isang daliri
    3:
    alinman sa bílang mula 0-9
  • digital (dí•dyi•tál)
    pnr | [ Ing ]
    1:
    hinggil o may kinalaman sa digit
    2:
    pinatatakbo o ginawâ sa pamama-gitan ng mga signal o impormasyon na kinakatawan ng mga digit
    3:
    nagpapakíta ng oras sa pamamagitan ng mga digit
    4:
    nakabatay ang operasyon sa mga datos na kinakatawan ng mga digit, karaniwang 0 at 1
  • digital subscriber line (dí•dyi•tál subs•kráy•ber layn)
    png | Com | [ Ing ]
    :
    tinatawag ding digital subscriber loop; teknolohiyang nagkakaloob ng transmisyon ng datos na dihital sa pamamagitan ng lokal na network ng telepono
  • dig•kál
    png | [ ST ]
    1:
    bakal na panghukay
    2:
    paghuhukay sa pamamagitan ng kasangkapang bakal
  • dig•kít
    png | Bot
    :
    malakíng palumpong (Pisonea aculeata) na matinik, makináng ang dahon, at biluhabâ ang maliit na bunga
  • dig•mâ
    png
    1:
    a estado ng armadong paglalaban ng mga bansa o lipi b panahon ng gayong paglalaban
    2:
    sining o agham ng pakikipaglaban
    3:
    estado ng paglalaban, tunggalian, o tuligsaan
  • dig•mà•an
    png | [ digmâ+an ]
    :
    malakíng digma
  • dig•mà•ang pan•dá•ig•dig
    png | Pol | [ digmâ+an+na pang+daigdíg ]
    :
    digmaan ng maraming bansa
  • dig•mà•ang si•bíl
    png | [ Esp digmâ+ an+na civil ]
    :
    digmaan ng mga pangkat sa loob ng isang bansa
  • Dig•mà•ang Tró•ya
    png | Lit | [ digmà+ an+na Troya ]
    :
    sampung taon na pagsalakay at pagsakop sa Troya ng mga Griyego
  • dig•mán
    png | Bot
    :
    maliit na yerba (Hydrilla verticillata) na nabubúhay sa tubig, maraming sanga, at payat na manipis ang dahon
  • dig•máy pu•gò
    png | Bot | [ ST ]
    :
    bungang-kahoy na maasim
  • dig•na•tár•yo
    png | [ Esp dignatario ]
    :
    tao na humahawak ng mataas na ranggo o tungkulin; mataas na tao
  • dig•ni•dád
    png | [ Esp ]