du•mí 1: anumang bagay na nakapagpapapangit, nakapagpapa-bahò, o nakasisirà sa kinalalagyan, gaya ng alikabok, putik, o mantsa 2: táe 3: basúra
du•min•díng 1: bahagi ng lu-pa buhat sa lunas ng bangin hang-gang sa labì sa ibabaw ng lupang nagbangin 2: ang dalawang panig ng mataas na lupang nása magkabilâng dáko ng isang ilog buhat sa lunas nitó hanggang sa ibabaw ng pampang
dummy (dá•mi) 1: modelo ng tao 2: tao na tanga o bobo 3: tao na walang mahalagang ginagawâ 4: padron o modelong ililimbag 5: tao na kumakatawan sa ibang tao, karaniwang palihim
dú•mog 1: paghugos o pagligid ng masiglang pulutong sa tao, hayop, pook, at iba pa 2: pagkaabalá o lulóng sa gawain
dump (damp) 1: ihagis 2: itápon 3: pabayaan 4: ipadalá ang mga kalakal na hindi na maipag-bili, at itinda nang múrang múra sa ibang bansa
dump (damp) 1: tambakan ng basura 2: pook na hindi kalugod lugod 3: pansamantalang imba-kan ng armas at iba pa 4: bunton ng lupa 5: printout ng nakaimbak na datos
dumpling (dám•pling) : maliit at malasang bola ng arina na maaaring ilaga, iprito, o ihurno sa isang kaserola