da•lág : isdang-tabáng (Ophicephalus stria-tus), na abuhin o itiman ang kulay, hugis ahas, at humahabà nang 30-90 sm
da•lá•gam•bú•kid : isdang-alat (Caesio caerulaureus, family Caesio-nidae) na matingkad na asul ang ulo at likod, at may guhit na dilaw mu-lang ulo hanggang buntot
da•lá•gan 1: papag na hini-higaan ng bagong panganak na ina at sanggol 2: laro na hinaha-nap ng tayâ ang pinagtataguan ng mga kalaban at isa-isang tinataga 3: bangayngáy
da•lá•gang-dá•gat 1: isdang-alat na may ma-habàng guhit sa magkabilâng tagiliran at karaniwang tumitirá sa malayòng dáko ng pampang 2: isdang kahawig ng tangigi ngunit higit na maitim ang likod, maliit ang panga, hasang, at mga kaliskis