e•go•tís•mo 1: pagpuri sa sarili; labis na pagpapahalaga sa sarili 2: pagiging makasarili 3: pagiging sakím
é•he : silindrikong bára na nagpapaikot o umiikot kasabay ng magkapares na gulóng sa magkabilâng dulo
e•hé•ku•tí•bo 1: ukol sa pamamahala ng mga ga-wain, tulad sa isang negosyo o industriya 2: may kinaláman sa pangangasiwa at pagpapatupad ng mga batas o gawain ng pamahalaan
e•her•sís•yo 1: gawain para sa pagpapalakas ng katawan 2: sánay o pagsasánay 3: pagganap o pagtupad ng tungkulin