éks•ten•si•yón 1: karagdagang habà; karagdagang panahon 2: pagpapatúloy 3: karagdagang bahagi, gaya ng ekstensiyon ng linya ng koryente o bahagi ng gusali 4: karagdagang palugit sa oras 5: kabuuang lawak o saklaw
éks•ter•mi•ná 1: puksain o patayin ang mga hayop, kulisap, at katulad 2: tanggalin ang masasamâng hilig at gawain
eks•tér•na 1: tao na nakapaloob sa isang institusyon ngunit naninirahan sa labas nito 2: mongha na nakalalabas
éks•ter•pas•yón 1: pagbúnot tulad sa ugat, hal eksterpasyon ng damo 2: tanggalin ang masasamâng hilig at gawain