eleventh (i•lév•enth) 1: posisyon sa pagkakasunod-sunod na katumbas ng ikalabing-isang bílang sa sunurang 1-11 2: isa sa labing-isang magkakatumbas na bahagi
e•lí•hi•bi•li•dád 1: kalagayan ng pagiging elihible, karaniwang may kinaláman sa karapatang bumoto o manungkulan 2: kalipikádo
Elijah (i•láy•ja) : propetang Hebrew sa panahon ni Jezebel, nagpanatili sa pagsamba kay Jehovah laban kay Baal at ibang paganong diyos
e•lik•sír 1: preparasyong alkemiko na ipinalalagay na nakapagpapahabà ng búhay at nakagagawâ ng ginto mula sa mga karaniwang metal 2: anumang nakapagpapagalíng sa pamamagitan ng kahanga-hangang paraan 3: sa parmasya, likidong mabango at naigagamot o ginagawâng pampalasa
é•li•sé : kasangkapang binubuo ng mga hugis dahong metal na nakakabit sa unahán o sa hulihán, umiikot, at nagpapaandar ng sasakyang de-motor