• ex libris (eks líb•ris)

    1. :
      “mula sa mga aklat ni” o “mula sa aklatan ni,” pariralang isinusulat sa aklat bago ang pangalan ng may-ari nitó
  • exobiology (eks•sów•bay•ó•lo•dyí)

    1. :
      agham sa pagsasaliksik ng mga posibilidad ng búhay sa labas ng daigdig
  • exocrine (éks•o•krín)

    1. :
      lumalabas sa kanal o túbo ng glandula
  • exocrine gland (eks•so•kín gland)

    1. :
      glandula na naglalabas ng katas sa pamamagitan ng dukto, hal salivary gland
  • exodus (éks•o•dús)

    1. 1:
      paglíkas ng mga tao
    2. 2:
      pandadayúhan
  • Exodus (éks•o•dús)

    1. 1:
      sa Bibliya, ikalawang aklat sa Lumang Tipan na nagsasalaysay ng pagtakas ng mga Hebrew mula sa Ehipto at paghahanap ng Lupang Pangako
    2. 2:
      sa Noli Me Tangere, ang tawag ni Ibarra sa paglalakbay ng isang nasyon sa kasaysayan at ang dinaranas na paghihirap at kalungkutan ng isang bayan bago maging isang bansa o estado
  • ex officio (eks o•fí•syo)

    1. :
      sa bisà ng posisyon o katungkulan
  • exogamy (eks•ó•ga•mí)

    1. 1:
      pag-aasawa sa labas ng sariling tribu, pamilya, at iba pa
    2. 2:
      pagsasáma ng mga reproduktibong cell at mga hindi katugmang indibidwal
  • exonerate (ig•zó•ne•réyt)

    1. 1:
    2. 2:
      tanggalin o alisan ng katungkulan o responsabilidad
  • exophthalmia (éks•of•thál•mya)

    1. :
      abnormal na pagluwa ng matá
  • exosphere (éks•ow•sfír)

    1. :
      bahagi ng atmospera na pinakamalayò mula sa lupa
  • exotica (ig•zó•ti•ká)

    1. :
      mga bagay na naiiba o kakatwa