gymnasium (dyim•nás•yum) : gusali o silid na inayos at nilag-yan ng mga gamit pang-isports para sa mga gawaing kaugnay sa edukas-yon o pagpapalakas ng katawan
gymnastics (dyim•nás•tiks) : ang sining o isports ng pagpa-pahusay sa bilis at liksi, tulad ng sa pommel horse, alloy rings, parallel bars, asymmetric bars, at balance beam
gynecology (gáy•ni•kó•lod•yí) : sangay ng medisina hinggil sa funsiyon at sakít ng babae, lalo na sa bahagi ng katawang may kinalaman sa pagbubuntis
gypsophilla (dyip•sa•fí•la) : alinmang yerba (genus Gypsophila) na malago at may bulaklak na maliliit at kumpol-kumpol
gypsum (dyíp•sum) : calcium sulfate na lumalabas o maki-kíta sa kristal at ginagamit sa paggawâ ng plaster of paris
Gypsy (dyíp•si) 1: kabí-lang sa isang lahing palipat-lipat ng tahanan at sinasabing mula sa India at nakakalat ngayon sa Europa 2: sa maliit na titik, tao na laga-lág