• ha•lab•há•ban

    1. 1:
      inihaw na karne ng hayop na napanalunan sa laro
    2. 2:
      natálong manok sa sábong na napupunta sa nanalo.
  • ha•la•bíd

    1. :
      nagkabuhol-buhol na lubid, baging, alambre, at katulad
  • Ha•lá! Bi•rá!

    1. 1:
      katagang sina-sambit, karaniwan sa pagdiriwang ng Sinulog, nangangahulugang “Sulong!, Sugod!”
    2. 2:
      Hilahin mo!
    3. 3:
      Suntukin mo!
  • ha•la•bók

    1. 1:
    2. 2:
      kumukulo
    3. 3:
      nangangamoy; umaalingasaw ang bahò.
  • ha•la•bós

    1. 1:
      pagluluto ng hipon, alimasag, at katulad sa tubig at asin
    2. 2:
      pagsaklot nang minsanan sa nasá harap.
  • ha•la•bót

    1. 1:
      biglaang pagbunot, gaya ng baril mula sa kaluban nitó
    2. 2:
      paglalabas ng lahat ng mga lamán ng isang lalagyan o kahon.
  • ha•la•búk

    1. :
      matinding gálit.
  • ha•la•dà

    1. :
      sálansánan sa itaas ng dapugan.
  • ha•la•gá

    1. 1:
      ang pagsasa-alang-alang na nararapat sa isang bagay o tao
    2. 2:
      ang bílang o dami ng salapi na inaasahan, kailangan, o ibinigay bílang bayad para sa isang bagay
  • há•la•gá•han

    1. 1:
      bagay na mahalaga sa búhay; pa-mantayan o sistema ng pagpapaha-laga sa bagaybagay
    2. 2:
      naka-mihasnang paraan ng pagtingin o pagsukat sa halaga ng bagay-bagay
  • ha•lá•gap

    1. 1:
      tíla duming namu-muo sa ibabaw ng pinakuluang karne at butó var halugap
    2. 2:
      pagkapâ sa dilim hábang naghahanap ng anumang bagay
    3. 3:
      pagsagap sa bulâ at dumi ng sabaw ng pagkain sa pamama-gitan ng malaking kutsara.
  • ha•lag•hág

    1. 1:
    2. 2:
      batugan at walang ginagawâ
    3. 3:
      malaki sa tingin ngunit magaan
  • ha•la•háb

    1. :
      inihaw o dinarang sa apoy
  • ha•lá•ha•là

    1. :
      patola (Luffa cylindrica) na bilóg.
  • há•la•há•la

    1. 1:
      uri ng baboy (family Suidae o Tayassuidae) na may malapad na tainga at kara-niwang pinalalahian
    2. 2:
      isang uri ng pipino mula sa San Gregorio.
  • ha•lák

    1. 1:
      pagpuri o pagyayabang1
    2. 2:
      plema na bumabará sa lalamunan at nagdudulot ng pag-ubo
    3. 3:
      pagiging paos o malat ng boses dahil sa sipon
  • ha•lak•hák

    1. :
      tawang malakas
  • há•lak•há•kan

    1. :
      malakas na tawanan; pagtatawánan.