• ha•lí•haw

    1. 1:
      pagkain nang panakáw sa harapán ng may-ari
    2. 2:
      paghanap ng isang bagay sa pama-magitan ng paghahalungkat nang walang taros
    3. 3:
      tao na dumaranas ng matinding gútom o pagkulo ng tiyan
    4. 4:
      paglakad nang pabalik-balik, karaniwan kung may hinahanap.
  • ha•lí•haw

    1. :
      paluin o ham-balusin nang tuloy-tuloy at sa lahat ng panig.
  • ha•lík

    1. :
      pagdidikit, pagdadampi, o pagdidiin ng labì sa anumang bahagi ng katawan, karaniwang may halòng damdamin
  • Ha•lí•ka!

    1. :
      Pumarito ka!, Lumapit ka!, Sumama ka! !
  • há•lí•kan

    1. 1:
      matagal na paghalik sa isa’t isa
    2. 2:
      pagdadampian ng mga labì ng dalawang tao
  • Ha•lí•ka•yó!

    1. :
      Pumarito kayo!; Lumapit kayo!
  • ha•lik•wát

    1. 1:
    2. 2:
      pag-aangat ng isang mabigat na bagay
  • ha•li•lag•yó

    1. :
      kamukha ng iba.
  • ha•li•lá•ya

    1. :
      uri ng ngilin.
  • ha•li•ma•sô

    1. :
      nagtutubíg-tubíg na sugat sanhi ng gasgas
  • ha•lí•maw

    1. 1:
      hayop na maba-ngis at naninilà
    2. 2:
  • ha•lim•ba•wà

    1. 1:
      bagay na kabílang at kumakatawan sa isang kabuuan
    2. 2:
  • ha•lim•bu•káy

    1. :
      dagsa ng mga alon sa dagat var alimbukay, hali-bukay.
  • ha•lim•hím

    1. :
      paglimlim ng inahin o pagpapainit sa mga itlog upang mapisâ
  • ha•li•mo•nón

    1. :
  • ha•li•mo•rá

    1. :
      mahusay na katangian ng pag-iisip at kalusugan.