ha•lú•ha•lò 1: pag-kaing pampalamig na karaniwang binubuo ng kinuskos na yelo, mga minatamis na bungangkahoy, gatas, at asukal 2: lutòng Tsino na binu-buo ng ginayat na baboy at hilaw na papaya 3: anumang binubuo ng iba’t ibang bagay na pinagsáma-sáma.
ha•lú•kay 1: pagbali-baligtad sa bagay-bagay upang makapaghanap o upang maghalò nang mabuti ang mga ito 2: halungkát.
ha•lung•kát : pagkuha o pagtingin sa mga bagay na nakatago o nakala-gay sa pinakailalim na bahagi ng lalagyan